^

PSN Showbiz

Lagot kay Sarah Alex gusto sanang maka-tongue to tongue si Matteo!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kagabi ay napanood ang tambalan nina Alex Gonzaga at Matteo Guidicelli para sa espesyal na episode ng Maalaala Mo Kaya. Hindi raw nahirapan si Alex makatrabaho si Matteo dahil matagal na ring magkaibigan ang dalawa. “Masaya kasama si Matteo kasi kaibigan ko na siya noon pa. So kami, parang magkaibigan na nagtatrabaho. It’s easy kasi hindi na ako ilang sa kanya, parang friends kami,” pahayag ni Alex.

Kahit nagkaroon ng kissing scene sina Alex at Matteo ay hindi naman daw sila nagkailangan nang gawin ito. “Ayaw ko lang ng kissing scene kasi gusto ko tongue to tongue eh bawal daw eh. Lips to lips lang, so sabi ko huwag na lang,” pabirong pahayag ni Alex. “Hindi ako nailang kasi kilala ko na siya at alam naman namin ang personal na buhay namin sa isa’t isa. So walang ilangan talaga,” giit ng dalaga.

Samantala, nasubukan na rin ni Alex ang maging book writer at masayang-masaya ang aktres dahil naging matagumpay ang Dear Alex, Break Na Kami. “It’s our sixth printing, 70,000 copies sold and we’re coming out with a hard bound edition. Tapos cute ‘yung hard bound namin kasi may something na pakulo. So ‘yun medyo konting mahal lang siya pero cute naman siya. Tapos ‘yung book 2 namin I think this year,” pagtatapos ni Alex.

Maui ayaw nang balikan ang pagpapa-sexy

Isa si Maui Taylor sa pinakasikat na sexy star noong early 2000. Ngayon ay ini-enjoy daw ng aktres ang pagiging ina sa anak na mahigit isang taon pa lamang. “Masaya maging mommy. Naisip ko nga, bakit kung kailan ako nag-32 saka ko lang naisip na maging parent pero masaya naman talaga,” bungad ni Maui.

Hinahanap-hanap na raw ng aktres ang pag-aartista pero kung sakaling magbabalik-showbiz ay may limitasyon na raw si Maui sa mga proyekto. “Nakaka-miss sa showbiz ‘yung araw-araw nasa trabaho ako. Medyo hindi na siguro kakayanin ang gano’n. Naka-focus na kasi ako ngayon sa baby ko, pero kung papayag naman ang trabaho sa limited time na maibibigay ko, siguro pwede naman, puwede na mag-come back. Bawal na ako mag-sexy siyempre pero puwedeng-puwede na ako tumanggap ng mommy roles. Wala namang nagbabawal. Pinapayagan naman ako kung gusto ko mag-showbiz ulit,” paliwanag ni Maui.

May komunikasyon pa rin ngayon ang aktres at ilang kasamahan sa sexy girl group na Viva Hotbabes kahit may kanya-kanya na silang buhay. “Nakakatuwa nga kasi in touch pa rin kami ng mga kasamahan ko. Sina Katya (Santos), Andrea (Del Rosario), okay na okay pa rin ang samahan namin. Halos every week nagkikita kami,” kuwento ng aktres.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKO

ALEX

ALEX GONZAGA

BREAK NA KAMI

DEAR ALEX

DEL ROSARIO

KASI

MATTEO

MAUI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with