^

PSN Showbiz

Paano kaya nasisikmura? Aktres na misis ng actor-singer may karelasyong aktor na pamilyado rin

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Isang malaking tandang pananong para sa mga taga-showbiz kung paano kinakaya ng isang actor-singer ang sitwasyon nila ngayon ng kanyang misis na aktres.

Maraming kuwentong naglalabasan tungkol sa kanila, pero sa kabila nu’n ay magkasama pa rin naman silang dalawa, umuuwi pa rin ang singer-actor sa bahay nila ng aktres.

May lumutang na kuwento nu’n na umuuwi ang singer-actor sa bahay ng kanyang mga magulang, ilang buwan daw na nakitira ang male personality sa kanilang ancestral house, pero ipinipilit naman ng mga nakakakilala sa mag-asawa na never silang naghiwalay.

Pero paano nga kaya kinakaya ng actor-singer ang sitwasyon nila ng aktres? Alam kaya niya na may karelasyong aktor ang kanyang misis? Madalas makitang magkasama ang dalawa at sa ginawa nilang serye nu’n ay talagang lantaran na ang kanilang paglalambingan.

Ang aktor na karelasyon ng misis ng actor-singer ay pamilyado na rin, non-showbiz ang babae, marami na silang anak ngayon.

Inuusisa rin ng marami kung alam ng misis ng aktor ang mga nangyayari, balita kasing ang babae ang mas meron, kaya kung hindi man kalakihan ang kinikita ng aktor ay ang babae ang nagpupuno para sa kanilang pamilya.

Komento ng isang source, “E, kung ako man ang aktres, talagang hindi ko rin kakayaning makisama sa actor-singer na ‘yun na napakatamad! Sobrang bigat ng katawan ng lalaking ‘yun!

“Magaling nga siyang kumanta at umarte, pero kung ganu’n naman siya katamad, ano ang mangyayari sa career niya? Forever na lang siyang tulog, unprofessional, hahanap talaga ng iba ang misis niyang martyr!” nakairap na sabi pa ng aming source.

Ubos!

Carl napaka-gentleman, parang junior ni Derek

Sinusubaybayan namin ang tambalan nina Carl Guevarra at Isabelle de Leon sa Wattpad Presents: Mistakenly Meant for You ng TV5.

Gandang-ganda kami kay Isabelle, ang child star na si Duday sa sitcom nu’n ni Bossing Vic Sotto, pero mas markado para sa amin ang papel na ginampanan niya sa pelikulang Magnifico bilang kapatid ni Jiro Manio na epileptic.

Nang magdalaga na ay napakaganda ni Isabelle, magaling umarte at kumanta, mabigyan lang ng magandang oportunidad ang young actress-singer ay siguradong marami siyang kakabugin.

Mahal ng mga camera si Isabelle, sa lahat ng eksena niya ay lutang na lutang ang kanyang ganda, kinambalan pa ‘yun ng galing niya sa pagganap kaya panalung-panalo ang dalaga.

Ang katambal pa niya ay si Carl Guevarra na wala ring anggulo na pangit, maraming staff ng Wattpad Presents ang pumupuri sa binatang aktor na walang kaartehan sa katawan, hindi ito mareklamo at kahit pagod na ay maaliwalas pa rin ang mukha na parang okey lang ang lahat.

At kahit ano ang sabihin ng mga dati nitong karelasyon ay tahimik lang si Carl, hindi ito pumapatol sa katsang ng mga babae, maginoo ang aktor na sinasabing junior ni Derek Ramsay sa pagiging gentleman.

Mamayang gabi ay matatapos na ang kanilang episode, pakiramdam namin ay nakapanghihinayang tapusin agad ang isang palabas na bukod sa magagaling na ang mga artista at maganda ang kuwento ay angat pa ang maayos na direksiyon.

Palagi sanang ganu’n ang atake ng Wattpad Presents ng TV5.

vuukle comment

CARL GUEVARRA

DEREK RAMSAY

JIRO MANIO

LEFT

WATTPAD PRESENTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with