^

PSN Showbiz

AiAi level up, council member na para sa kampanya ng kilos kaayusan!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibang klaseng kaibigan din si AiAi delas Alas. Hindi siya nag-aalangang banggitin na kahit anong mangyari, hindi niya iiwan si Vice President Jejomar Binay.

Kung iba lang siguro siya, mangingimi siyang magpahayag ng suporta sa bise presidente ng bansa na nasa gitna ng kontrobersiya sa kasalukuyan.

“Manalo, matalo, Binay ako,” deklara ni AiAi kahapon pagkatapos ng launching ng Kilos Kaayusan, isang advocacy group kung saan kasama si AiAi sa Council Members na pinamumunuan ni Benjamin Diokno. Bukod kay AiAi, Council Member din si Leo Martinez. “Wala naman akong inaapakang tao, opinyon ko lang naman ito,” dagdag niya. Sa ginanap na launching kahapon ng 9:00 a.m. dumalo si AiAi at ang iba pang Council Member. Dumating din bilang supporter ng grupo si VP Binay. Samahan n’yo ka­ming ayusin ang Pilipinas ang  campaign slogan ng grupo. “Nakakalungkot na kasi talagang makita ang bansa natin. Inggit na inggit ako pag nakikita ko ang Singapore. Ang ganda at ang linis ng bansa nila,” sabi ng comedy actress sa isang tsikahan kahapon.

So may money involve ba sa Kilos Kaayusan? “Wala. Kanya-kanya kaming gastos. Wala kaming financier. Gusto lang talaga naming makatulong,” sagot niya.

Pero ayaw mag-comment ni AiAi sa mga kinasasangkutang kontrobersiya ng VP ng bansa. “Ayaw kong magsalita tungkol sa pulitika. Basta ako humahanga lang talaga ako sa compassion niya,” katuwiran ni AiAi. 

Hindi nalilimutan ni AiAi na dinamayan siya ni Binay nang mamatay ang kanyang nanay.

Part ng pagiging council member niya ang pagpo-promote nila sa iba’t ibang probinsiya ng Kilos Kaayusan.

Wala pa naman daw siyang regular show sa kasalukuyan kaya may oras siyang ikampanya ang pagbabalik ng mga disiplina sa ating mga kababayan na totoo naman na parang nakalimutan na talaga.

At least ito raw, level up naman. Hindi naman basta showbiz lang. Kundi may katuturan.

Anyway, pinaghahandaan na rin niya ang isang malaking concert sa November bilang part ng kanyang 25th anniversary in showbiz.

Pero sa February 12 hahataw muna si AiAi sa Valentine concert with Richard Yap sa Solaire Hotel.

May pinagsamahan sina AiAi at Richard Yap dahil sila ang unang ‘loveteam’ sa My Binondo Girl noong 2011. Kaya naman asahan daw ang kakaibang ‘laswaan’ nila ni Papa Chen.

Young actor na papasikat pa lang, P300,000 agad ang talent fee

Grabeng mahal pala ng isang young aktor na papasikat pa lang. Three songs lang pala, P300,000 ang charge nito. Hindi naman daw kagalingan sa pagkanta pero sumasayaw. ‘Yun nga lang, over acting kung maningil ng talent fee. Within Metro Manila lang daw ‘yun ha.             

TATLONG PINOY BIBIDA SA MISS U

Sign kaya na mananalo si MJ Lastimosa ang photo niya na kasama ang crown ng 2015 Miss U?

Sinasabing malaki ang chance ni MJ na manalo, mairaos niya lang ng bongga ang question and answer portion.

Bukod sa ABS-CBN, live din sa Lifestyle Network ang coronation night.

Bida ang mga Pinoy ngayong taon sa Miss Universe dahil mapapanood rin si pambansang kamao Manny Pacquiao na isa sa judges sa pageant pati na si 2013 Miss Universe 3rd Runner-Up na si Ariella Arida bilang online backstage host.

Maipagpatuloy kaya ni MJ ang magandang performance ng Pilipinas sa Miss Universe? Alamin sa Lunes (Enero 26) sa live airing ng 63rd Miss Universe Pageant sa Lifestyle Network, 9 a.m.! 

Samantala, panoorin ang mga bigating Hollywood celebrities suot ang kanilang nagagandahang red carpet outfits para sa star-studded 21st SAG Awards na eere rin sa Lunes, 9 p.m. sa Lifestyle Network din.

Ngayong taon, maglalaban-laban ang mga pelikulang Boyhood, Birdman, The Grand Budapest Hotel, at The Theory of Everything sa category na best performance by a cast in a motion picture.

Sinu-sinong Hollywood celebrities kaya ang mag-uuwi ng parangal?                        

vuukle comment

AIAI

BINAY

COUNCIL MEMBER

KILOS KAAYUSAN

LANG

LIFESTYLE NETWORK

MISS UNIVERSE

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with