^

PSN Showbiz

Kahit isang taon na, Vhong may trauma pa rin sa pambubugbog

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nag-enjoy nang husto si Alden Richards sa celebration ng kanyang 23rd birthday nung nakaraang linggo, lalo na nung naging bahagi siya sa pagpapatayo ng mga bahay sa Quezon City na isa sa projects ng Habitat for Humanity.

Hindi raw siya sanay sa pa-party, at happy na raw siya sa pag-celebrate sa mga nangangailangan. Parang nabitin pa nga raw siya nung tumulong ito sa construction ng bahay na ipinatayo ng Habitat for Humanity.

Ngayong umaga rin ay special guest din ni Regine Velasquez si Alden sa Sarap Diva na kung saan naki-birthday din siya roon.

PAK: Hindi napigilan ni Ruffa Gutierrez na maiyak sa press conference ng launching ng Cosmo Skin Premium Collagen na ini-endorse niya nang sabihin ni Manay Ethel Ramos na nami-miss na siya ng showbiz press.

Nakiisa ang movie press na dumalo sa presscon niya na ginanap sa Luxent Hotel kahapon na sana maging busy siya sa taong ito.

Naluha si Ruffa dahil matagal na rin daw niyang na-miss ang mga movie press na hindi niya itinuturing na reporters kundi mga kaibigan.

Madalas na nasasalang daw siya sa mga presscon sa  ilang Asian countries nung pinu-promote nila ang It Takes Gutz to be a Gutierrez, at ibang-iba raw ito sa mga presscon dito na karamihan ay nasubaybayan daw siya mula nung bata pa siya.

“Nami-miss ko ang ganitong masaya na hindi ganun kapormal. Nami-miss ko talaga kayo. Na-miss ko ang kabakyaan ng showbiz,” natatawa na niyang pahayag kahit lumuluha pa ito.

BOOM: Isang taon na ang lumipas sa napakalaking isyu ng bugbugan kay Vhong Navarro, sangkot sina Cedric Lee, Deniece Cornejo, at ilan pang kasamahan nito.

Tuloy pa rin ang kaso, pero nabigyan ng bail ang mga sangkot kaya nasa labas lang sila.

Kasabay nito ay may lumabas na interview kay Kat Alano tungkol sa isyung rape na ikinukuwento niya, pero wala siyang binabanggit na pangalan.

Naglabas siya ng pahayag sa kanyang Facebook account at meron pang apela kay DOJ Secretary Leila de Lima tungkol sa isyung rape.

Bahagi ng mensaheng gusto niyang iparating kay Sec. De Lima: “There have been many other publicized rape cases against public figures which have ended the same way, in favor of the rapist and NOT in favor of justice for the victims.

“You see Secretary De Lima, I myself am a victim of the same man who has been allowed to go free under your jurisdiction.

“At 19 years old, I was raped 10 years ago and I dread to think how many more silent victims there have been since me.”

Ayaw na itong patulan ng abogado ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga dahil mas hinaharap daw nila ngayon ang mga kasong isinampa ni Vhong.

Wala namang binanggit na pangalan, kaya bakit kailangan daw i-dignify pa ito.

Ngayong isang taon nang lumipas, hindi raw maiwasang bumabalik-balik kay Vhong ang malagim na pangyayaring iyun na nagbigay sa kanya ng matinding trauma.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALMA MALLONGA

CEDRIC LEE

LEFT

SIYA

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with