^

PSN Showbiz

Kaya pati anak lasengga na rin magaling na aktres walang humpay kung magmura ‘pag nalalasing

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Payo ng mga kaibigan ng isang aktres, hanggang makakaya niyang huwag uminom ng agua de pataranta ay magtiis siya, huwag na huwag siyang magpapakalasing para hindi siya nalalagay sa alanganin.

Tahimik ang aktres na ginawang pulutan isang gabi sa umpukan ng mga production people. Ilang ulit na nilang nakakatrabaho ang magaling na aktres, kahit minsan ay wala silang naging problema sa babaeng personalidad, nangyayari lang ‘yun kapag umiinom na siya nang sobra-sobra sa kanyang kapasidad lang.

Nagbabago ang tahimik na aktres kapag nasasayaran na ng alak ang kanyang lalamunan, biglang bumabalik sa alaala niya ang mga karanasang pinagdaanan niya, namumulaklak din sa pagmumura ang kanyang dila.

“Grabe siyang malasing, hindi mo siya irerespeto kapag langung-lango na siya. Wala na siyang pakialam sa mundo, mura lang siya nang mura, masama siyang malasing!” komento ng isang miron sa umpukan.

Dumalo sa isang showbiz wedding ang magaling na aktres dahil malapit siya sa bride, pagkatapos ng seremonya ay reception na siyempre, nang mag-uwian na ang mga bisita ay nagpaiwan siya.

“Hindi na naman niya napigilan ang kaway ng alak, nagpakalango na naman siya, kuntodo make-up pa naman siya at naka-gown, napakahalay niyang tingnan habang mura nang mura.

“Inaaway-away pa niya ang mga waiters ng catering service, bakit daw nililigpitan siya ng mga silya at mesa, katakut-takot na mura ang inabot sa kanya ng mga windang na windang na waiters.

“Magtataka pa ba kayo ngayon kung bakit lasengga na rin ang anak niya sa napakabatang edad? May pagkakapareho sila, mag-inang nomo-nomo sila! Pareho silang mahilig uminom.

“Pero may pagkakaiba silang magnanay. Kung gaano kabagal magsalita si mommy, para namang hinahabol ng pangarerang kabayo si daughter!” pagbibigay pa ng clue ng aming impormante.

Ubos!

Kakaibang asal ni Marlene may kinalaman sa kanyang mapait na karanasan noong kanyang kabataan?

Puro dakdak lang daw naman pala sina Marlene Aguilar at Mystica. Magaga­ling lang silang maghamunan at MAGPAYABANGAN sa social media pero sa aktuwal na pagduduop ay nababahag naman ang mga buntot nila.

Kinol ni Mystica ang hamon ni Marlene, handa raw ang mahilig mag-split na singer na upakan ang babaeng nagsasabing kampon ng demonyo ang Santo Papa, hindi raw nito uurungan ang nakababatang kapatid ni Ka Freddie Aguilar na gustong ibitin nang patiwarik sa langgaman ngayon ng ating mga kababayang tinawag niyang mga bobo at kampon din ng demonyo sa ginagawang pagsamba sa Santo Papa.

Nag-aabang na ang buong bayan sa kanilang salpukan, mag-upakan na raw sana ang dalawang lukring na ito, mas maraming kumakampi kay Mystica kesa kay Marlene.

Pero biglang naglaho ang kanilang paghahamunan, hanggang sa salitaan lang naman pala sila, bin-lock ni Marlene si Mystica sa kanyang Facebook account dahil hindi raw sila magka-level.

Sa isang panayam namin kay Marlene ay sinabi niya, “Masyadong malupit ang tatay namin, kapag pinarurusahan niya ako, ihinihiga niya ako sa sahig, tinatapakan niya ang leeg ko para hindi ako makalaban.

“Sasabihin niya, ‘Hindi ka puwedeng lumabas sa pintuang ito, grounded ka!’ I will just smile in silence, our house has many windows. Kundi ako puwedeng lumabas sa pintuan, ‘di gamitin ko ang mga bintana! Nakakatakas pa rin ako!” parang nagmamalaki pang pagbabando ni Marlene sa kanyang kabataan.

Maaaring may kuneksiyon ang sobrang galit niya sa mundo ngayon sa kanyang mga pinagdaanan nu’ng bata pa siya. Marami siyang bitbit na poot sa dibdib, wala siyang nakikitang positibo sa kanyang paligid, gustung-gusto niyang iba siya sa iba.

Para sabihin niya’t paniwalaang kampon ng demonyo ang Santo Papa ay kasukdulan na. Patawarin nawa si Aling Marlene Aguilar ng Diyos sa mga pinagsasasabi niya.

vuukle comment

KANYANG

LEFT

MARLENE

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with