^

PSN Showbiz

Movie ng INC wala nang urungan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Bukas, January 24, na­ka-schedule ang first day shooting ng Sugo at umaasa ang buong team na involved sa pelikula na matuloy na ito after maudlot nang napakatagal. Pumirma na raw ng kontrata ang bumubuo ng cast, kaya wala nang uru­ngan ito.

Ang daming hinarap na problema at controversy ang movie mula sa director at cast. Noong unang i-announce ang project, si Tikoy Aguiluz ang director ang na-interview namin. After him, may mga ibang director na nabanggit, at ngayon nga ay si Direk Joel Lamangan na ang magdidirek ng pelikula.

Nabago rin ang bumubuo ng cast at nawala ang original cast na kinabilangan nina Senator Bong Revilla, Jr. at Cong. Lani Mercado. Wala sa original cast sina Gabby Concepcion at Dawn Zulueta na pasok na sa pelikula. Ang naiwan lang yata sa original cast ay si Albert Martinez.

Wala rin sa original cast sina Dennis Trillo at Megan Young, na kasama na ngayon at sila ang gaganap sa role ng batang karakter nina Albert at Dawn. Tiyak na may iba pang bago sa cast na ina­alam pa namin.

Hindi rin natuloy ang unang balak na sa likod ng Philippine Arena sa Bulacan itatayo ang set at hindi na raw sisirain at gagawing tourist attraction dito.

vuukle comment

ALBERT MARTINEZ

BONG REVILLA

CAST

DAWN ZULUETA

DENNIS TRILLO

GABBY CONCEPCION

JOEL LAMANGAN

LANI MERCADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with