^

PSN Showbiz

Pinagmalisyahan tuloy na live in na: Jennylyn at Dennis ang agang mag-jogging, sweet na sweet din ‘pag magkasama

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

Rico Blanco nag-back out sa concert, ayaw makasama si Bamboo

PIK: Naiintriga ang Fusion 2015 na gaganapin sa concert grounds ng SM Mall of Asia sa January 31 kung saan magsasama-sama ang mga kilalang musicians at rock bands.

Dapat ay kasali si Rico Blanco pero biglang umatras raw ito na hindi naman sinabi ang dahilan. Pero ang duda ng ilang taong involved, nalaman daw nito na kasali rin si Bamboo, hindi na nga lang nagkomento ang mga staff. Tinanggap naman daw nila ang pag-atras ni Rico sa malaking musical event na ito.

PAK: Pagdating sa lovelife, ayaw magkomento ni Martin Nievera kung may karelasyon pa rin ba ito.

“I’m happy,” ang sagot niya nang deretsahang tanungin kung may karelasyon ba siya ngayon.

Aminado si Martin na may nagawa siyang pagkakamali pagdating sa mga nakarelasyon niya kaya pinagdurusahan niya raw ito hanggang ngayon. Wala raw siyang nagawa kundi harapin ito at matuto sa kanyang mga pagkakamali. Sana raw ay matutunan din ito ng mga anak niya.

“Hopefully my boys will learn from me and become better men, better father than I was,” pahayag ni Martin sa nakaraang presscon ng concert nilang Ultimate na gaganapin sa SM MOA Arena sa February 13 at 14.

BOOM: Nagkuwento sa amin ang isang kaibigang madalas na nagdya-jogging sa UP na nakita raw niyang magkasamang nagdya-jogging sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

Tanong ng kaibigan namin, “Nagkikita sila nang ganun kaaga?” Sinagot naman namin na magkasama talaga silang nag-i-ensayo dahil pareho silang nagta-triathlon at minsan nagsu-swimming.

“Ang sweet nila eh. Sila ba?” hirit naman ng kaibigan namin.

Punung-puno ng malisya ang kuwento sa amin, na kunwari hindi kami interesado dahil matagal na silang naiintrigang nagkabalikan.

vuukle comment

AMINADO

DAPAT

DENNIS TRILLO

JENNYLYN MERCADO

MALL OF ASIA

MARTIN NIEVERA

RICO BLANCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with