^

PSN Showbiz

Parang maraming alam sa kama! Julia inalalayan si Gerald sa kanilang love scenes

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kung ang pagbabasehan ay ang mga magagandang sinasabi ng mga leading men ni Julia Montes na sina Gerald Anderson at JC de Vera sa pe­likula nilang Halik sa Hangin ng Star Cinema, hindi kataka-taka kung sa kanyang murang gulang ay manalo na siya ng acting award. Siyempre napaka-humble naman ng aktres para i-acknowledge ang pagaling ng kanyang craft, pero sigurado ako na puno siya ng pasasalamat dahil may kinahinatnan ang kanyang pagiging masipag sa trabaho.

Sa kanya namang mga nakaraang proyekto ay nai­­pamalas na niya ang kanyang husay. Hindi nga lamang panlaban sa award ang mga role niya at hindi niya kinakailangang magpasikat. Pero rito sa Halik sa Hangin ay nag-mature siya in the sense na puma­yag na rin siyang magkaro’n ng talagang na­pa­ka-intense na love scene kay Gerald. Akala nga ni Gerald ay kakailangan pa niyang alalayan ito, pero naramdaman niyang siya ang inalalayan ng batang aktres. Hindi mo nga aakalain na nasa listahan siya ng mga certified virgin actors. Emotionally and physically, wagi siya sa kanyang portrayal ng kanyang role. Mapapanood na ang Halik sa Hangin sa January 28.

Iñigo at Julia parang support lang kina James at Nadine

I’m sure sina James Reid at Nadine Lustre pa rin ang magdadala ng pelikulang Hopelessly Romantic at supporters lamang nila sina Iñigo Pascual at Julia Barretto. Parang wrong timing para kay Julia na currently ay nasa hot water dahil sa hindi matigil-tigil na isyu sa kanyang amang si Dennis Padilla. Ito ang dahilan kung bakit malamig kay Julia ang publiko na nada­dag­dagan pa dahil sa sinasabi nilang pangungunsinti sa kanya ng inang si Marjorie Barretto.

In any case, napatunayan na ng anak ni Piolo Pascual na may karapatan siyang mamalagi sa showbiz. Tinanggap siya sa Relaks It’s Just Pag-ibig at ang love team nila ni Sophia Andres kaya medyo may pressure sa kanya ang pagtatambal nila ni Julia. Kailangang mag-effort sila para tanggapin ang tambalan nila. Kapag hindi sila nagtagumpay, mahihirapan nang umahon si Julia. Kaya naman inaasahan ng mga tagasubaybay niya na mag-mellow na siya at huwag nang maging bastos na anak sa kanyang ama. Maiintindihan ng tao kung galit siya sa ama, pero dapat hindi niya ipangalandakan ito at ipinamumukha in public.

Pagbabati nina Barbie at Thea mauuwi sa wala?!

Mukhang maganda ang itinatakbo ng The Half Sisters dahil kahit marami na ang umaasa na magbabati na ang magkapatid na Diana at Ashley na ginagampanan nina Barbie Forteza at Thea Tolentino ay biglang nagkaro’n ng bagong twist sa pagdating ni Benjie (Jomari Yllana) na ama ng isa sa kambal na si Diana. Ang ama ni Ashley bagman at kambal sila ni Diana ay si Alfred (Ryan Eigenmann). Pero si Benjie nga ba ang dumating o ibang katauhan na katulad din ng bagong cha­racter na madaragdag sa serye?

vuukle comment

ASHLEY

HALIK

HANGIN

JULIA

KANYANG

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with