^

PSN Showbiz

Mga magulang ng mga bagets sa Goin’ Bulilit bawal sa taping

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Last Saturday afternoon ay pumasyal kami sa taping ng long-running kiddie gag show na Goin’ Bulilit na pinamamahalaan ng mag-amang Edgar “Bobot” Mortiz at Frasco Mortiz na ginanap sa Studio 5 ng ABS-CBN.

Next month ay magsa-sampung taon na ang Goin’ Bulilit na pinagmulan ng maraming young stars ngayon tulad nina Kathryn Bernardo, Julia Mon­tes, Nash Aguas, Alexa Ilacad, Sharlene San Pedro, Miles Ocampo, Jairus Aquino, at iba pa. Ise-celebrate ng programa ang kanilang ika-10th anniversary sa pamamagitan ng special episodes na mapapanood sa buwan ng Pebrero.

Hindi pala puwedeng magbabad sa taping ang mga magulang ng mga bata para mas nakakapag-concentrate ang mga bata kaya halos lahat sa Goin’ Bulilit ay mga yaya ang kasama.

First taping day last Saturday ng 4-year-old na si Alonzo Muhlach sa Goin’ Bulilit at tuwang-tuwa ito dahil pawang bata ang kanyang mga kasama. Kapag walang take ay ginagawa nitong playground ang Studio 5.  Naging instant friends agad sila ni Vito, ang 5-year-old son ni Vandolph Quizon. Tulad ni Alonzo, bagong pasok din sa Goin’ Bulilit si Vito na nawala ang pagi­ging tahimik nang mapasama siya sa ibang bata ng programa. Kasama rin sa prog­rama ang bunso ni QC Mayor Herbert Bautista na si Harvey.

ABS-CBN sobrang higpit ng security

Kapag wala ka rin lamang opisyal na pakay sa ABS-CBN, huwag ka nang magsayang ng oras dahil hindi ka basta-basta makakapasok kung wala ang pangalan mo sa guest list o ‘di kaya wala kang official business.

Napakahigpit ng security sa Kapa­mil­ya Net­work at dadaigin nito ang security ng Mala­cañang.

Kahit nasa guest list ang pangalan mo, ka­ilangan mong maghintay sa mar­shall para makapasok o ‘di kaya para sunduin ka.

Kung wala kang access pass, kailangan mong maghintay bago ka makapasok.

Kuh Puno na agad ang schedule

Kahit matagal nang disbanded ang Music and Magic to lead their respective individual careers, once in a while ay nagkakaroon sila ng reunion concerts tulad na lamang ng mangyayari on Valentine’s day, kung saan mu­ling mabubuo ang grupo sa isang special show sa Solaire Theatre na pinamagatang The Music of the Heart, The Magic of Love na pangungunahan mismo ni Kuh Ledesma who is currently celebrating her 35th year in the entertainment business.

The Born-Again singer-actress is planning for a major concert some­time this year at magiging busy rin sa kanyang US concert tour. Meron din siyang sisimulang bagong tele­serye sa Kapuso network at busy rin siya sa kanyang bagong libro which she hopes to release within the year.

AiAi, Richard, at Jennylyn may mga gimik din sa Araw ng mga Puso

On February 12 naman, makakasama ni AiAi delas Alas si Richard Yap sa isang pre-Valentine show na gaganapin sa Solaire Resort & Casino na pinamagatang Ai Heart Papa.

Pinaghahandaan din ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Best Actress na si Jennylyn Mercado ang kanyang first concert sa Skydome on February 13.

vuukle comment

AI HEART PAPA

ALEXA ILACAD

ALONZO MUHLACH

BEST ACTRESS

BULILIT

FRASCO MORTIZ

GOIN

JAIRUS AQUINO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with