^

PSN Showbiz

Ikalawang Feng Shui ni Kris mas malinaw ang istorya

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

From the looks of it, maraming sumuporta sa MMFF 2014 ang nagandahan sa Feng Shui nina Kris Aquino at Coco Martin. Maaaring mas nakakatakot ‘yung unang pelikula, pero mas mali­naw ang kuwento ngayon ng direktor na si Chito Roño kaya may dahilan kung bakit mas dapat katakutan ng bagong nagmamay-ari ang bagwa. Hindi rin basta inilagay ang mga nakakatakot na eksena na tinitilian ng mga manonood. Pero ako na bawal sa mga horror at sobrang suspense na movie ay chill lang at hindi tumitili tulad ng mga katabi ko na hindi pa man na­gaganap ang eksena ay, ayun, at nagri-react na. O baka abala lang ako sa aking apo na napakahigpit ng kapit sa akin at ipinupulupot pa ang aking kamay sa kanyang leeg. Deserving ang Feng Shui sa posisyon na kinalalag­yan niya sa takilya dahil mas marami ang mga batang ayaw matakot at gusto lang tumawa kay Vice Ganda kung saan kasama ang anak ni Kris na si Bimby Aquino Yap. Tinanggap na lang ni Kris na maluwag sa puso ang pagiging no. 2 sa movie ng anak at ng kanyang BFF.

Kapuso proud kay Jennylyn

Proud na proud siguro ang Kapuso Network sa kanilang artist na si Jennylyn Mercado matapos nitong magpakitang gilas sa pag-arte lalo na’t napagwagian nito ang Best Actress sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa movie na English Only, Please. Inianunsyo rin ng Tanduay Rhum na ang seksing aktres ang kanilang latest Calendar Girl. Ibig sabihin lang, kabilang na rin siya sa talaan ng pinakamagagandang babae na kinukuha ng sikat na inuming panlalaki para maging modelo ng kanilang taunang kalendaryo. May teleserye siya na nakatakdang mapanood sa TV sa buwang ito, ang Second Chances.

Pagtakbo ni Dingdong sa Senado ikinagulat

Hindi na nabigla ang mga nakabasa’t nakarinig na papasok ng pulitika ang bagong kasal na si Ding­dong Dantes. Ang ikinagulat lang nila ay ang pangyayaring Senado agad ang puntirya nito. Bagaman at may nagsasabing dapat ay sa mababang posisyon siya magsimula, marami ang nagsasabing kaya niyang mag-senador. Para saan pa’t nag-aral at nakapagtapos ito kung mas mababang posisyon lang ang tatakbuhin niya? Tama na ‘yung pagiging senador ang pasukin niya. Kaya niyang pangatawanan ang trabaho kung sakali. At ang gandang senator’s wife ni Marian Rivera kung sakali.

vuukle comment

BEST ACTRESS

BIMBY AQUINO YAP

CALENDAR GIRL

CHITO RO

COCO MARTIN

ENGLISH ONLY

FENG SHUI

JENNYLYN MERCADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with