^

PSN Showbiz

Ibinigay bago ikasal: Marian P2M na Rolex watch ang wedding gift kay dingdong

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Rolex watch na  halos dalawang milyong piso ang halaga ang wedding gift ni Marian Rivera sa kanyang mister na si Dingdong Dantes.

Natanggap ni Dingdong ang wedding gift ng misis niya, ilang oras bago sila ikinasal sa Immaculate Conception Cathedral noong Martes.

Ginamit agad ni Dingdong ang relo na bigay ng kanyang misis.

Siyempre, wala nang hihigit pa sa isang regalo ni Marian kay Dingdong, ang kanyang sarili na walang anumang katumbas na datung.

Maraming Pinoy walang kadala-dala, mga naputukan huli na ang pagsisisi

Walang kadala-dala ang mga Pilipino, sa kabila ng paulit-ulit na pagpapaalala ng PNP at Department of Health na huwag nang magpaputok sa pagpasok ng 2015.

Hindi rin nagkulang sa reminder ang mga anchor ng news programs ng lahat ng major television networks pero likas na pasaway ang karamihan sa mga kababayan natin na triple at hindi lamang doble ang pagsisisi.

May mga nasunugan ng bahay, naputulan ng braso at daliri, nabulag ang mga mata at tinamaan ng mga ligaw na bala dahil pinairal nila ang katigasan ng ulo.

Sising-sisi ngayon ang mga biktima dahil hindi na maibabalik pa ang kanilang mga pani­ngin, parte ng katawan na naputol, at buhay na tinapos ng mga ligaw na bala ng mga masasamang loob na nagpaputok ng baril noong bisperas ng Bagong Taon.

Kahit sabihin nila na hindi na sila uulit, huli na dahil napa­kasakit na leksyon ang kanilang natutunan na sila rin ang may kagagawan.

Gladys big boss ng sariling calamansi soap

More exercise and be healthy ang New Year’s resolution ng aking alaga na si Gladys Reyes dahil alam niya na health is wealth.

Bukod sa priority niya ang kalusugan, magiging busy si Gladys sa marketing ng kanyang bagong negosyo, ang Gladys Reyes’ Gluta and Oatmeal Soap with Calamansi.

Naghahanap si Gladys ng mga distributor at reseller ng  sabon  na very effective dahil kitang-kita ang epekto nito sa kanyang makinis at maputi na balat.

Pantay na pantay ang kulay ng balat ni Gladys dahil bata pa lang siya, calamansi ang ginagamit ng nanay niya na panghilod sa kanyang katawan.

Happy ako para kay Gladys dahil nadagdagan na naman ang pagkakaabalahan niya. Active member siya ng MTRCB, executive producer ng  Moments, ang sariling show niya sa TV5, co-host ng Basta Everyday Happy ng GMA 7 at ngayon, big boss ng Gladys Reyes’ Gluta and Oatmeal Soap with Calamansi.

Anak ni Bettina nakaapelyido sa kanya

Cadevida pala ang tunay na family name ni Kris Lawrence, ang ama ng anak ni Katrina Halili.

Nalaman ko ang totoong family name ni Kris nang i-review ko ang imbitasyon sa kasal nina Dingdong at Marian.

Flower girl sa kasal ang anak nina Katrina at Kris at nakasulat sa imbitasyon ang kanyang tunay na pangalan, ang Katrence Lawrence H. Cadevida.

Carlos naman ang family name na ginagamit ni Amanda Lucia, ang anak ni Bettina Carlos na isa rin sa mga flower girl. Hindi talaga pumayag si Bettina na gamitin ng kanyang anak ang apelyido ng tatay nito as in parang napakalalim talaga ng kanilang hidwaan.

Bridesmaid si Bettina sa kasal nina Dingdong at Ma­rian. Dalawang beses na nagmartsa si Bettina dahil pagkatapos rumampa bilang abay, bumalik agad siya sa main entrance ng simbahan para akayin ang kanyang anak.

vuukle comment

AMANDA LUCIA

BETTINA

DAHIL

GLADYS

GLADYS REYES

GLUTA AND OATMEAL SOAP

KANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with