^

PSN Showbiz

Kahit hindi na magmi-mayor? Vice Mayor Isko hindi pinababayaan ang pagiging artista, nakapag-aral pa!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Patuloy si Manila Vice Mayor Isko Moreno sa kanyang mahusay na pagsisilbi sa mga mamamayan ng Maynila. Bagaman at iniintriga siya na baka hindi na naman siya patakbuhin ni Mayor Erap Estrada sa darating na eleksyon sa 2016 dahil sinasabing tatakbo itong muli para sa pagka-mayor. Pa-smile lang ang tugon ng tumatanggap pa rin ng acting roles tulad sa Bonifacio, Ang Unang Pangulo na aniya ay bit player lamang siya, pero nakuntento siya. Ang mahalaga, hindi niya napababayaan ang kanyang pagiging artista habang ginagampanan ang kanyang tungkulin bilang pulitiko.

Bentahe ni Vice Mayor Isko ang kanyang kabataan. Can afford niyang hintayin ang kanyang panahon para mag-shine.

Samantala, isinasabay din niya sa kanyang pagiging vice mayor ang pagpapalago ng kanyang karunungan. Nakapagtapos na siya ng mga short courses sa public administration sa Harvard at Oxford, mga sikat na paaralan sa US.

Batas na pagbabawal sa paggamit ng plastic, may butas!

Okay lang ‘yung ginawang batas na nagbabawal sa paggamit ng plastic dahil hindi ito natutunaw at nakasisira ng kalikasan.

May tinigilan kaming McDo sa SLEX patungong Cabuyao, Laguna na walang straw ang isinilbi sa aming float. Sa halip, plastic teaspoon ang ibinigay sa amin. Paano mo hihigupin ang isang float na walang straw at gagamitan lang ng kutsarita na plastic din naman? Messy hindi ba? Dapat siguro kung bawal, huwag na lang munang magsilbi ng mga inumin o pagkaing likido na nangangailangan ng straw. Kumpletuhin na muna nila ang mga gamit nila.

Pagkapanalo ni Nadine bilang Face of the Night may isyu pa rin

Bukod sa mga nanalo sa ginanap na MMFF Awards night, nalagyan din ng isyu ang pagkakapili kay Nadine Lustre bilang Face of the Night. Naman! Pati ba ito pag-awayan din? Eh, kung si Nadine ang natipuhan ng mga hurado, may magagawa ba ang mga nagrereklamo, eh kanya-kanyang taste ‘yan? Kung talagang gusto ng iba na manalo ang mga bet nila, dapat siguro ay maging sponsor sila ng sarili nilang Face of the Night. ‘Yun nga lang ‘di sila nakasisiguro na ang pipiliin nila ay magugustuhan din ng lahat.

vuukle comment

ANG UNANG PANGULO

FACE OF THE NIGHT

KANYANG

MANILA VICE

MAYOR ERAP ESTRADA

NADINE

NADINE LUSTRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with