^

PSN Showbiz

Marian goddess na goddess sa gown na milyun-milyon ang halaga! Fans dumagsa, mga naka-bus dumating sa simbahan

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Mga tita ni Dingdong nag-iiyakan, Binuko ni Kris P-noy hindi nagmartsa nakinig lang, hoping daw na ikakasal pa

Goddess na goddess ang dating ni Marian Rivera habang naglalakad papunta sa altar kahapon kung saan emosyonal na naghintay ang mister na niya ngayong si Dingdong Dantes.

Mag-solo siyang naglakad pero sa kalagitnaaan ng simbahan ay sinalubong siya ng kanyang lola Francisca. Hinalikan niya at saka ibinigay sa kanyang parents na naghihintay naman hindi kalayuan sa kinatayuan ng kanyang lola. Emosyal si lola nang halikan na siya ng apong lumaki sa kanya.

Pero mas emotional at parang may nerbyos si Dingdong at tingin ng isa sa mga ninang na si Nay Lolit Solis, pinipigilan nitong umiyak.

Very traditional ang kasalan na pinangunahan ni Most Rev. Honesto Ongtioco, DD, ang ceremonies, with nine other bishops.

Tahimik naman na dumating si Pres. Noynoy Aquino na Witness of Honour. Hindi siya sumama sa martsa ng entourage.

Sa mga ninang, si Megastar Sharon Cuneta ang hindi dumating. Nagmartsa sina Kris Aquino, Helen Gamboa, Regine Velasquez, Gov. Vilma Santos, Dra. Vicki Belo, Direk Joyce Bernal, at iba pang ninang.

Sa mga ninong halos lahat ay present – Ogie Alcasid, Vic Sotto, German Moreno, at iba pa.

Simple pero elegante ang kasalan. Milyones ang halaga ng gown ni Marian na gawa ni Michael Cinco. Dumating ng bansa si Michael para personal na bihisan ang Kapuso actress.

Si Bambbi Fuentes ang nag-make up kay Marian. Si Randy Ortiz ang gumawa ng suit ni Dingdong.

May malaking monitor sa labas ng Immaculate Conception Cathedral kaya tahimik at maligayang-maligaya ang fans sa labas ng simbahan na mga naka-bus dumating.

Ang mga president ng fans clubs nila ay imbitado at maganda ang puwesto sa simbahan.

Ang Hail Mary the Queen Church Choir at Ateneo Boys Choir  ang nag-provide ng music.

Walang magulo at happy ang mood sa loob ng simbahan sa mahigit isang oras na seremonyas.

Pero ang mga tita raw ni Dingdong na mga ninang din ay nag-iiyakan habang on going ang seremonyas dahil napakabait daw talaga ng actor sa kanila.

Rinig na rinig naman ni Nay Lolit na sinasabi ni Kris na ayaw talagang mag-ninong ng presidente niyang kapatid dahil hoping itong ikakasal pa siya.

Hindi pa kami nakakarating ng reception habang sinusulat namin ang artikulong ito.

 

vuukle comment

ANG HAIL MARY THE QUEEN CHURCH CHOIR

ATENEO BOYS CHOIR

DINGDONG DANTES

DIREK JOYCE BERNAL

GERMAN MORENO

HELEN GAMBOA

HONESTO ONGTIOCO

IMMACULATE CONCEPTION CATHEDRAL

KRIS AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with