^

PSN Showbiz

Sharon pinipigilan ang ‘relasyon’ nina KC at Paulo?!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Very close at sweet daw sina KC Concepcion at Paulo Avelino nang humarap sa media para sa promosyon ng kanilang unang pagtatambal sa TV sa programang Exchange Gift ng Give Love on Christmas. Marami ang kinilig sa kanilang da­la­wa, pero bakit sa muling pagharap niya sa media ay ibang tugtog na ang kanyang isinasayaw. Ako at maraming taga-media ay naniniwalang may pumipi­gil sa kanila para hindi kumpletong ma-enjoy ang kanilang “relasyon”. Nakadagdag pa ang mga sinabi ni KC na payag siyang pag-usapan nila ng aktor kapag nakakita na ito ng babae na mas bagay sa kanyang lifestyle. Ang sagot niyang “Ipaalam natin sa nanay ko” sa pang-iimbita ng aktor para mag-Pasko sila ng magkasama ay may banaag ng pag-iwas. Bakit kaya?

Kris ipinagmamalaki ang akting

I’m sure hindi masaya si Kris Aquino sa kanyang pagkakaospital for sheer exhaustion. Kinain ng mga additional scenes na hiniling ng Star Cinema big boss na si Malou Santos ang natitirang panahon niya na nagbunga ng sobrang pagkapagod ng aktres kaya bumagsak ito sa ospital. Pero madali naman siyang naka-recover at naging  masayang muli dahil nabigyan ng grade A ng Cinema Evalua­tion Board (CEB) ang pelikulang pinaghihirapan niya, ang ikalawang bahagi ng Feng Shui. Nasulit ang paghihirap nilang lahat para sa movie.

Ibig sabihin lang ay talagang maganda ang pagkakagawa dito ni direktor Chito Roño.

Dahil sa sobrang kasiyahan hindi lamang ang acting ng mga nakasama niya sa movie na sina Coco Martin at Cherry Pie Picache ang ipinagkakapuri ni Kris kundi maging ang performance niya.

Alma namayat pagkatapos ng kurso sa kolehiyo

Hindi na gaanong mataba si Alma Concepcion nang dumalo sa pa-party ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Ang laki ng ibinaba ng kanyang timbang kumpara nu’ng huli ko siyang nakita sa TV. Sinabi nito na pansamantala siyang huminto sa pagtanggap ng mga proyekto dahil tinapos niya ang pag-aaral niya sa kolehiyo. Ngayong tapos na siya ay babalikan niyang muli ang kanyang pag-aartista. Kahit wala siyang trabaho, nagawa pa rin niyang mamigay ng gifts sa kanyang mga friends from the media.

Bukod kay Alma, salamat sa lahat ng taga-showbiz na sumuporta sa party at caroling ng PMPC.

 

vuukle comment

ALMA CONCEPCION

CHERRY PIE PICACHE

CHITO RO

CINEMA EVALUA

COCO MARTIN

EXCHANGE GIFT

FENG SHUI

GIVE LOVE

KRIS AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with