^

PSN Showbiz

Carla Abellana sa hospital magpa-Pasko?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hindi nakasama sa Parade of Stars si Carla Abellana dahil may sakit at hindi na kailangan ang medical certificate para siya’y paniwalaan. Nasa ­Ins­tagram (IG) ang picture niya na may nakatusok na IV sa braso habang nasa ospital.

Tanong ng fans, magmumulta pa rin ba ang Regal Entertainment sa MMDA dahil hindi nakasama si Carla sa cast ng Shake, Rattle & Roll XV sa Parade of Stars? Sina Carla at Dennis Trillo ang bida sa Ulam episode ng movie na kahit may diri factor, gusto pa ring mapanood ng marami.

Siguradong nalungkot ng husto si Carla na hindi siya nakasama sa Parade of Stars dahil looking forward siya na sumakay sa float kasama ang ibang cast.

Naalala namin, ngayong araw ang lipad ni Tom Rodriguez for Japan. Doon niya ipagpa­patuloy ang Christmas celebration niya kasama ang mga kapatid na babae. Hopefully, magaling na si Carla para hindi mag-worry si Tom.

Kasal nina Dong/Yan may ipamimigay na limited edition na Whiskey

Mula nang i-post in Dingdong Dantes sa Instagram (IG) ang limited edition ng special commemorative blend ng Scotch Whiskey na ibibigay niya sa kanyang entourage sa December 30 wedding nila ni Marian Rivera, marami ang nagka-interes na magkaroon nito.

Dedma sila sa sinabi ni Dingdong na limited edition ‘yun at 50 bottles lang ang ginawa. Interesado ang marami kung ano ang lasa ng whisky at gusto rin nilang makakuha ng bote na kakaiba sa ordinary Scotch Whiskey ang packaging.

Kung may curious makita na ang wedding gown ni Marian na gawa ni Michael Cinco, marami rin ang gusto nang makita ang suit na isusuot ni Dingdong sa kasal na gawa ni Randy Ortiz.

Samantala, advance Christmas gift at wedding gift kay Dingdong ang “A” rating na ibinigay ng Cinema Evaluation Board (CEB) sa Kubot: The Aswang Chronicles 2. Hindi lang artista ng MMFF entry si Dingdong, isa rin siya sa producer nito kasama ang GMA Films at Reality Entertainment nina Dondon Monteverde at direk Erik Matti.

Ayaw sabihin ni Dingdong kung magkano ang shares nilang mga producer sa Kubot, basta mahal daw dahil sa special effects. Dahil franchise na ito, siguradong may The Aswang Chronicles 3  sa 2015 MMFF at puwede nang isulat na si Marian Rivera ang leading lady ni Dingdong.

May cameo si Marian sa Kubot bilang introduction niya as Dingdong’s next leading lady.

Keempee at Manilyn alalang-alala pa ang nakaraan

Naungkat ang nakaraan nina Keempee de Leon at Manilyn Reynes nang ma-interview ang dalawa sa presscon ng Once Upon A Kiss. Four months lang pala tumagal ang relasyon nila dahil lagi silang nag-aaway, pero maganda ang break-up nila at nanatili silang magkaibigan.

Ito rin ang rason kung bakit madali sa kanila ang magtrabahong magkasama, gumanap na mag-asawa at parents ni Bianca Umali. Dapat sa My BFF pa sila nagkasama, pero may mga hindi naayos na problema sa side ni Keempee at hindi siya natuloy. Hindi raw totoong ayaw lang niyang makatrabaho si Janno Gibbs.

Nakakapanghinayang lang dahil hanggang sa pilot week lang ang karakter ni Keempee, mamamatay siya pati ang ibang male cast ng series.

Naloka pala sina Manilyn at Keempee sa suggestion ng press na ang hindi nila natuloy na relasyon, ang mga anak nila ang magpatuloy. Parehong 18 years old ang eldest son ni Manilyn na si Kyle at ang daughter ni Keempee na si Sam, suggestion ng press, ipakilala nila sa isa’t isa ang mga anak o kaya i-blind date at baka magkagustuhan.

Anyway, sa January 5, 2015, after 24 Oras ang pilot ng Once Upon A Kiss sa direction ni Bb. Joyce Bernal. Ito ang papalit sa Strawberry Lane.

Toni at Angelica pinagpipilian para sa letseng pag-ibig ni Piolo

Isa kina Toni Gonzaga at Angelica Panganiban ang gusto sana ni director Joyce Bernal na maging leading lady ni Piolo Pascual sa pelikulang ididirek niya at may working title na Letseng Pag-ibig.

Ang problema, may Pangako Sa ’Yo si Ange­lica sa ABS-CBN, pero susubukan pa rin ng Spring Films na kausapin ang aktres. May pruweba na ang tambalan nina Piolo at Toni sa box-office hit na Starting Over Again  at hoping si direk Joyce na kundi pupuwede si Angelica, makuha nila si Toni.

Ang pelikula ni Piolo at ang taping ng Once Upon A Kiss ang magpapa-busy kay Direk Joyce next year at open pa siya sa ibang project.

vuukle comment

ASWANG CHRONICLES

CARLA

DINGDONG

JOYCE BERNAL

KEEMPEE

KUBOT

MANILYN

ONCE UPON A KISS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with