^

PSN Showbiz

Kapag kasal na lamang daw sila, Isabel ipinagdidikdikang never nakipag-sex kay John!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Pormal nang binuksan ang PhilPop 2015 na naka-schedule pa sometime on July sa susunod na taon.

Ang hinahanap sana ni Maestro Ryan Cayabyab ay mga bagong istilo ng awitin na sana raw mapansin sa international scene.

Kung matutuloy daw finals ng PhilPop  ng July 2015, tamang-tama raw na isasabay nila sa selebrasyon ng Linggo ng Musikang Pilipino.

PAK: Dalawang taon na ang hidwaan ng dalawang kilalang aktres ng isang malaking TV network.

Nagsimula ang hidwaan ng dalawang aktres sa pelikulang pinagsamahan nila at hindi na sila napag-ayos.

Kamakailan lang ay napapag-usapan ng mga staff ng isang malaking TV network na nakita na raw nila ang tunay na ugali ng aktres na ang bait-bait ng image, pero maldita sa dilang maldita ang ugali.

Doon nila napagtanto na mas matino pa pala ang isang aktres na maldita ang image, prangka magsalita pero totoo at hindi masama ang ugali.

Kaya naiba ang ihip ng hangin, mas kamping-kampi na sila ngayon sa kaaway ni mukhang mabait na aktres. Doon na lang daw sila sa mukhang maldita pero totoo at siya pa nga raw ang naaapi.

BOOM: Deretso ang sagot sa amin ni Isabel Oli na hindi raw talaga sila nagpa-praktis ni John Prats ng pre-marital sex.

Active ang magkasintahan sa kanilang church at nagkasundo silang walang may mangyayari sa kanila bago ang kasal. Dapat daw talaga ang pagkatapos ng kasal.

“Sa amin kasi we believe in marriage first then ano…Marriage muna talaga. Pina-practice talaga namin,” napapangiting pakli ng aktres.

Paulit-ulit niyang sinasabing wala talaga munang sex bago ang kasal.

“Hindi kami puwedeng mag-compromise dun. Buti na lang ganun din siya. Pareho kami ng thinking about dun. Ganundin siguro ang respeto niya sa marriage.

“We have to obey God’s command. Kasi kung magu-obey kami, mas ano talaga… mas nabi-bless ka ni God. Mas hindi mo Siya nasasaktan,” patuloy na paliwanag ni Isabel sa presscon ng pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo na kalahok sa nalalapit na Metro Manila Film Festival (MMFF).

vuukle comment

AKTRES

ANG UNANG PANGULO

BONIFACIO

BUTI

ISABEL OLI

JOHN PRATS

MAESTRO RYAN CAYABYAB

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MUSIKANG PILIPINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with