^

PSN Showbiz

Masaya nang kasama ang karelasyon ng 30 years Boy hindi makikiuso sa mga kasalan ng ‘third sex’

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Bagaman at wala namang tutol si Boy Abunda sa nauusong pagpapaka­sal ngayon ng mga same-sex couple, wala siyang pla­nong makisali sa uso at magpapakasal sa matagal na niyang karelasyon. Sinabi ng napakagaling na TV host na hindi na nila kailangan ng kasal. Ang mahigit sa 30 taon nilang relasyon ay isa nang malaking patunay na mahal nila ang isa’t isa.

Kung ipahihintulot ng panahon ay gusto ng TV host na makapag-travel. Gusto niyang makapagpahinga at makapag-relax man lang. Matapos siyang lumabas ng ospital ay napaglimi ni Boy na hindi niya kailangang patayin ang kanyang sarili sa trabaho. Kinakailangan din niya ng pahinga para tuluyan niyang ma-enjoy ang bunga ng kanyang pagpapagod at pagsisipag ng maraming taon. Gusto niyang magturo, pero tatapusin muna niya ang kanyang doctorate sa social development.

Yeng hindi malayong makalbo agad sa papalit-palit na kulay ng buhok

Contrary sa opinyon ng ilan na hindi na bumabagay ang buhok ni Yeng Costantino sa kanya, pinupuri ko naman siya dahil kahit gaano katingkad ang kulay ng kanyang hair ay talaga naman blooming pa rin ang singer.

Lately ay parang ibinabagay niya ang buhok niya sa kulay ng outfit niya. Bagaman at pinagaganda siya ng pagkukulay niya ng buhok at binibigyan siya ng kakaibang personalidad, ako ang nagwo-worry na baka dahil dito, isang araw ay makita niyang nakakalbo na ito.

AiAi ‘nakipaghiwalay’ sa anak

Pinayagan na rin pala ni AiAi delas Alas ang panganay niyang si Sancho na pasukin ang pag-aartista. Pero sa haip na sa Kapamilya Network ay sa GMA niya ito ipinasok. Mabuti naman na magkahiwalay ang network nila. At kung matutuloy ang pananatii niya sa ABS-CBN, mas mabibigyan ng kalayaan ang anak niya na magdesisyon para sa kanyang sarili at makabuo ng grupo niya o mga bagong kaibigan. Kung magkasama sila ng network ay mahirap makakawala sa anino ni AiAi ang kanyang anak.

Napag-uusapan na rin lang si AiAi, nakalulung­kot na patuloy ang away nila ni Kris Aquino. Hindi kasali ang movie nito sa panonoorin niya sa Christmas. Bagaman at marami ang umaasam ng pagbabati nila, ang iba nama’y sumuko na. Kung si Boy Abunda na pareho nilang ka-close ay walang magawa para sila mapagbati, ‘yung iba pa kaya?

vuukle comment

BAGAMAN

BOY ABUNDA

KANYANG

KAPAMILYA NETWORK

KINAKAILANGAN

KRIS AQUINO

MATAPOS

NIYA

YENG COSTANTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with