^

PSN Showbiz

GMA malaki ang ginastos sa Bet ng Bayan! Jaya hirap nang kumanta?!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Nahihirapan ang televiewers na panoorin si Jaya dahil hirap na ito sa pagkanta. Off key ang boses ni  Jaya nang kantahin nito kahapon sa Sunday All Stars ang mga popular song nina Jose Mari Chan at Kuh Ledesma. 

SCENE: Trying hard ang pagnanakaw ni Jake Cuenca ng eksena sa song number nila ng Kapamilya leading men sa Christmas special ng ABS CBN na ipinalabas noong Sabado.

SEEN: Walang kuwenta at sayang lang ang airtime sa hindi nakakatawa na production number kahapon sa Sunday All Stars nina Betong Sumaya, Mike Nacua, Sef Cadayona, Rodfil Obeso, at Mark Herras.

SCENE: Ang rare public appea­rance ni Diether Ocampo sa Christmas special ng ABS CBN. Matagal nang hindi napapanood sa telebisyon si Diether. 

SEEN: May repeat sa February 14, 2015 sa Grand Ballroom ng Solaire Resort & Casino ang reunion concert ng Music & Magic, ang grupo na pinanggalingan nina Kuh Ledesma, Fe delos Reyes, Angeli Pangilinan, et al. 

SCENE: Two hundred thousand pesos ang pera na ipina-raffle ni Congressman Manny Pacquiao sa Christmas party ng  GMA 7 employees sa Amoranto Sports Complex noong Biyernes. 

SEEN: Junk food at soda ang laman ng maleta ng road trip invitation para sa kasal nina Neri Naig at Chito Miranda. Naganap noong Sabado ang civil wedding nina Chito at Neri sa isang restaurant sa Taguig City at kahapon idinaos ang kanilang garden wedding.

SCENE: Sa December 28 ang grand finale ng Bet ng Bayan ng GMA 7. Ang Bet ng Bayan ang isa sa mga pinakamagastos na talent search show ng GMA 7.

vuukle comment

AMORANTO SPORTS COMPLEX

ANG BET

ANGELI PANGILINAN

BAYAN

BETONG SUMAYA

CHITO MIRANDA

KUH LEDESMA

SUNDAY ALL STARS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with