^

PSN Showbiz

Pinay na hiwalay sa asawang Hapon, pinasan ang pinagdaanan na tsunami

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang heart-warming episode ang handog ng Magpakailanman ngayong tag-lamig, na kinunan nang buo sa Japan. 

Ngayong Sabado, samahan si Ms. Mel Tiangco sa kanyang pakikipanayam kay Lovely Pineda-Ishii, isang Filipina na nakahanap ng pag-ibig at pamilya sa Land of the Rising Sun, at kung anu-ano ang kanyang mga pinagdaanan para makamit ang isang maayos at masayang buhay. 

Maraming mga Pilipino ang lumuluwas patungong ibang bansa para maiahon ang kani-kanilang mga pamilya mula sa kahirapan. Hindi naiiba si Lovely Pineda sa kanila noong lumipad siya patungong Japan. Subalit unlike her contemporaries, may ibang nahanap si Lovely sa Japan: pag-ibig ng isang Hapon. Pag-ibig na makabubuo ng isang pamilya para sa kanilang dalawa. 

Ngunit dahil sa cultural differences ni Lovely at ng kanyang asawa, sa pagiging absent nito sa pang-araw-araw nilang buhay, at sa hindi nito pagtanggol sa kanya tuwing namamaliit siya ng biyenan, pipiliin ni Lovely na humiwalay na lang sa lalaki. Magiging single mother of three children siya na kailangan mag-juggle ng dalawang trabaho, para lang buhayin ang kanyang mga anak—at makapagpadala pa rin ng pera pabalik ng Pilipinas. 

Sa kanyang paghiwalay sa asawa, mawawala na rin ang oras ni Lovely sa kanyang mga anak—at ang mga bagay na hindi niya nagustuhan sa asawa niya, ay siya na rin niyang ginagawa.

Hanggang sa dumating ang tsunami sa Japan noong March 2011, kung saan nasira ang nuclear power plant na malapit sa tinitirahan nila Lovely. Kakalat ang radiation sa kanilang lugar. At kakailanganin ni Lovely gumawa ng desisyon kung paano ililigtas ang kanyang mga anak.

Sa panahon kung saan kabi-kabilang pamilya ang nawawasak dahil sa kalamidad, ang pamilya ba ni Lovely ang magiging exception to the rule? Mabubuo ba ng isang trahedya ang pamilyang nawalay sa isa’t isa? 

Itinatampok si Sunshine Dizon sa isang natatanging pagganap bilang isang inang gagawin ang lahat para sa kanyang mga anak, at si Gabby Eigenmann sa isang natatanging pagganap bilang asawa ni Lovely na Hapon. Kasama rin nila sina Aya Medel at ang StarStruck V Avenger na si Nina Kodaka. 

Mula sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal, huwag palagpasin ang Magpakailanman-Ang Ina Sa Gitna ng Tsunami: The Lovely Ishii Story, ngayong Sabado (December 13), pagkatapos ng Pepito Manaloto, Ang Tunay na Kuwento sa GMA7.

 

 

 

vuukle comment

ANG TUNAY

AYA MEDEL

GABBY EIGENMANN

HAPON

ISANG

JOYCE BERNAL

KANYANG

LOVELY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with