^

PSN Showbiz

Jennylyn Mercado at Cong. Ronald Singson huli sa akto sa Bora?!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

“Si Jennylyn Mercado ‘yun. Kilala ko siya,” sabi ng isang source na nakitang ka-date si Jennylyn ni Cong. Ronald Singson sa isang invitational concert last month sa Boracay.

Nag-start na raw ang concert nang pa-simpleng dumating si Jennylyn.

Bukod sa concert, alam ng source na nag-parasailing pa ang dalawa.

So sila na nga kaya?

Consistent sa pagsasabi ni Jennylyn na hindi pa siya ready na magka-boyfriend pero nabanggit niya sa presscon ng English Please, Only, nagkikipag-date naman siya.

Si Lovi Poe ang last showbiz girlfriend ni Cong. Singson. Maligaya na ngayon si Lovi sa boyfriend na si Rocco Nacino.

Teka nabanggit na kaya ni Jennylyn kay Lovi na nagdi-date sila ni Cong. Singson?

Erik at Angeline ilusyon lang daw ang relasyon

Sumusumpa ang isa kong friend na hindi totohanan ang relasyon nina Erik Santos and Angeline Quinto.

Eh bakit sweet-sweetan ang dalawa?

“Basta hindi sila,” ulit ng source.

Kilalang-kilala ng friend ko si Erik kaya sure ako na totoo ang sinasabi niya.

Paano raw mangyayari ‘yun.

Oh my baka naman pinaaasa lang ni Erik si Angeline?

Kamakailan lang ay inamin ni Angeline may ‘I love you’ na sa pagitan nila ni Erik.

Sa Internet lang nalaman ng aktor

Sarah inilihim kay Matteo ang kanyang the glow sa disney!

Sa Internet lang nalaman ni Matteo Gudicelli na ang girlfriend niyang si Sarah Geronimo ang kumanta ng bagong version ng The Glow ng Disney channel. “Actually, she didn’t tell me. I found out online tapos I asked her, ‘You’re doing this Disney song?’ Sabi niya, ‘Yeah, yeah.’ Nahihiya nga siya. She’s very humble. Natutuwa ako. Sabi ko, ‘Dapat you’re proud of it! Dapat you’ll tell me, ‘di ba?’ Nakaka proud ‘yun, eh. Masaya. I’m happy for her,”

Kuwento ng aktor isa sa mga bida sa Shake, Rattle and Roll XV na ipina-presscon ni Mother Lily Monteverde kahapon kasama ang iba pang bidang lalaki ng SRR XV na sina Dennis Trillo, Daniel Matsunaga and JC de Vera. Dagdag pa ni Matteo: “I’m very proud. Disney ‘yan, eh. Sobrang proud po ako sa kanya. She’s very proud also. Congratulations to her.”

Masyado raw kasing humble ang girlfriend niya. Kaya naman lagi niya itong nire-remind na maganda siya. “Sinasabi ko nga sa lahat, ‘Ang ganda ng girlfriend ko ‘no?’” Madalas napapanood sa Disney channel ang version ng The Glow ni Sarah.

Sinabi rin ni Matteo hindi totoo ang mga kuwentu-kuwento na mas lalo silang hinihigpitan ngparents ni Sarah.

“Ah, no naman, she’s 26 and I’m 24, mga adults na kami,” sagot ng aktor na kasama Flight 666 episode ng SR&R XV.

Aminado rin siyang naging smooth na ang lahat. “Pero siyempre meron namang challenges lahat ng relationships, ‘di ba? Nagpagdaraanan naman natin lahat ‘yan,” dagdag niya.

Anong reaksiyon ni Sarah sa mga intriga sa kanila? Pinag-uusapan ba nila?

“Hindi naman masyado. There’s more positive people. People out there inspire us to have a strong relationship, ‘di ba? Mas mara­ming positibo kaysa negatibo, ‘di ba? Always good vibes.”

Wala pang masabi si Matteo sa plano nila ng girlfriend sa Christmas. Pero sila ng pamilya niya ay sa Cebu magpa-Pasko.

vuukle comment

DANIEL MATSUNAGA

DAPAT

DENNIS TRILLO

ENGLISH PLEASE

ERIK

ERIK SANTOS AND ANGELINE QUINTO

JENNYLYN

MATTEO

SA INTERNET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with