^

PSN Showbiz

Nagkakaedad na female TV personality nire-reimburse lahat ng gastos sa damit!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Mahilig sa damit ang isang nagkakaedad nang female TV personality. Ang kanyang katwiran ay okey lang na kakaunti ang kanyang sapatos, hindi naman paa ang ipinakikita niya sa harap ng mga camera, kundi ang kanyang mukha na damay ang kalahati ng kanyang katawan.

Kapag umaalis ng bansa ang pamosong babaeng TV personality ay madalas siyang makikita sa shopping mall, abala sa pamimili ng mga damit, ‘yun lang ang paborito niyang destinasyon kapag nasa ibang bansa siya.

Bonggang-bongga ang kanyang pagsi-shopping, ubusan ng laman ng bulsa at bag ang labanan, nagagamit din niya nang husto ang kanyang credit card.

Pero may kuwento pala sa likod ng pagiging gastadora ng female TV perso­nality, malakas pala ang loob niyang mag-splurge, dahil hindi naman nasasaktan ang kanyang bulsa.

“Puwede siyang mamili nang mamili dahil hindi naman kasi ang bulsa niya ang napupuruhan. Iniipon niya ang mga resibo ng pinamimili niya, pati ang mismong tarheta ng damit, iniipon niya ‘yun dahil nandu’n ang price.

“Pagbalik niya, ibibigay niya agad ang mga resibo sa executive producer ng show niya, kailangang maibalik sa kanya ang kung magkano mang ginastos niya.

“Tama! May reimbursement na magaganap, kailangang bayaran sa kanya ang inabono niya, dahil katwiran ng TV personality, e, isinusuot niya naman ang mga binili niyang damit sa programa niya,” kuwento ng aming impormante.

Kaya naman pala bonggang-bongga ang mga isinusuot niyang damit, kaya naman pala kinakabog niya ang mga kasabayan niya sa trabaho, pati pala ang mga imported niyang damit ay sinasagot din ng production.

Mahilig pala sa pag-iipon ng mga resibo ang nagkakaedad nang female TV personality dahil kahit ano lang ang bilhin niya na kunektado sa kanyang trabaho ay pinababayaran niya sa produksiyon.

Ubos!

Derek walang pahinga sa TV5

Hindi pa man ginaganap ang huling gabi ng The Amazing Race Philippines Season 2 ni Derek Ramsay ay malakas na ang kutob namin na ang “dating couple” nina Matt at Phoebe ang mananalo.

May nasilip kasi kaming plugging ng TV5 na kasama ang dalawa sa gagawing bagong game show ni Derek, ‘yun ang nagbigay sa amin ng hudyat, bukod pa sa talaga namang kinarir ng dalawa ang kanilang laban sa The Amazing Race Philippines.

Madalas silang mag-away, nag-aargumento sila, iniiyakan ni Phoebe ang pagiging talakero ng kanyang kapareha. Maraming hindi nagkakagusto kay Matt dahil pumapatol ito sa babae, mainitin ang ulo, may kaangasan.

Dahil sa matinding pressure nu’ng mga ilang araw na lang ng labanan ang naiiwanan ay pinilipit pa nito ang braso ng babae, inis na inis sa Ingliserong lalaki ang mga kaibigan naming tumututok sa TARP, sana raw ay matalo sila.

Pero dahil ginamitan talaga nila ng utak at kakaibang atake ang mga paghamon sa labanan ay sila ang nagwagi, sila ang nanalo ng bahay at lupa, tig-isang sasakyan at tig-isang milyong piso bilang papremyo.

Hindi mapapahinga si Derek Ramsay sa TV5, ngayon pa lang ay nakalinya na ang mga programang gagawin niya sa susunod na taon, mula sa action, drama at hosting ay magkokomedya naman ang hunk actor.

Kuryente ang balitang babalik na siya sa ABS-CBN.

 

vuukle comment

AMAZING RACE PHILIPPINES

AMAZING RACE PHILIPPINES SEASON

DAHIL

DEREK

DEREK RAMSAY

KANYANG

MAHILIG

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with