^

PSN Showbiz

Heart walang magawa, biyahe nila sa Amerika ni Chiz naudlot!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi mapapanood si Heart Evangelista sa Startalk sa buong buwan ng December ang isinulat ko pero napanood siya sa aming show noong Sabado dahil nagkaroon ng pagbabago sa biyahe nila sa Amerika ni Senator Chiz Escudero.

Sa December 19 pa ang US trip nina Heart at Papa Chiz at dahil wala siyang gagawin, nag-decide si Heart na umapir sa Startalk habang naririto pa sila sa Pilipinas.

Pabor sa akin ang pagpapakita ni Heart sa Startalk noong Sabado dahil naibigay niya sa akin ang Christmas gift na diamond ring na nakakasilaw kapag pinagmamasdan ko.

Bettina iwas na iwas pa ring pag-usapan ang ama ng kanyang anak

Maraming salamat kay Bettina Carlos dahil sa mga pagkain na ipinadala niya sa akin.

Nalito ako dahil dalawang beses na nagpadala sa akin si Bettina ng mga masasarap na ulam na mismong siya ang nagluto.

Nagpasalamat ako kay Bettina sa pamamagitan ng maid of honor ko pero matagal bago siya nag-reply sa mga text message ko.

Sunday night na nang sumagot si Bettina na nag-explain na para sa kanyang anak ang araw ng Linggo kaya maghapon sila na magkasama.

Dedma si Bettina sa mga text message sa kanya dahil naka-focus ang aten­syon niya sa anak. Sinasagot lang niya ang mga message na natatanggap kapag tapos na siya sa kanyang mommy duties.

Iniiwasan ni Bettina na pag-usapan ang ama ng kanyang darling daughter pero hindi siya nakatanggi sa pag-uusisa ko. Inalam ko lang naman ang identity ng tatay ng bata dahil clueless ako. Walang makasagot sa mga tinatanong ko kaya si Bettina ang inusisa ko at naging honest naman siya.

Hindi ko na sasabihin ang name ng mhin ‘no! Enough nang maligaya si Bettina sa piling ng kanilang anak.

Showbiz pini-peste ng bagyong Ruby

Dinedma ko ang Typhoon Ruby kahapon dahil hindi puwedeng hindi ako bumisita sa puntod ng mga mahal ko sa buhay tuwing Lunes.

Ikinalito ko lang ang mga balita na napapakinggan ko sa radio at napapanood sa TV. Ang unang report, dadaan ang bagyong Ruby sa Metro Manila mula 8:00 p.m. hanggang 10:00 p.m. pero may report din na darating ang bagyo ng 6:00 p.m. hanggang 10:00 p.m.

Magkakaiba ang mga report kaya nalilito ang mga tao na  pinaghandaan na lang ang papalapit na bagyo. ‘Yung iba naman, hindi na talaga lumabas ng bahay at tumutok na lamang sa mga balita.

My Big Bossing lamang na lamang na sa publicity

Today is a brand new day. Wish ko lang, umalis nang maaga ang Typhoon Ruby sa Philippine area of responsibility para bumalik sa normal ang buhay ng mga Pilipino, lalo na ang mga sinalanta ng kalamidad.

Affected ng Ruby ang  showbiz dahil sa mga presscon at Christmas party na nakansela.

Maraming lakad ang hindi natuloy at inilipat sa ibang araw.

Hindi puwedeng hindi ituloy ang mga presscon ng mga pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival 2014 or else, baka walang manood.

Nauna nang magpatawag ng presscon ang mga produ ng My Big Bossing at Shake, Rattle & Roll XV kaya marami na ang mga publicity ng kanilang mga pelikula.

In terms of  TV exposure, milya-milya na ang layo ng My Big Bossing dahil paulit-ulit na ipinakikita ang trailer nito sa timeslot ng Eat Bulaga.

 

vuukle comment

BETTINA

BETTINA CARLOS

DAHIL

EAT BULAGA

HEART EVANGELISTA

MY BIG BOSSING

STARTALK

TYPHOON RUBY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with