^

PSN Showbiz

Star Cinema nakulangan Kris at Coco nagsu-shooting pa nagdadagdag ng mga eksena sa Feng Shui!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: May inihahanda na birthday celebration ang GMA 7 para kay Congressman Manny Pacquiao. Ipagdiriwang ni Manny ang kanyang 36th birthday sa December 17.

SCENE: Malalaman ngayong gabi ang team na mananalo sa The Amazing Race Philippines Season ng TV5. Dalawang milyong piso, bahay at sasakyan ang mga premyo na matatanggap ng winning team.

SEEN: Si Robin Padilla ang special guest sa Pistang Pinoy Event na magaganap ngayong hapon, 2 p.m., sa Aoba Ryokuchi Park, Japan.

SCENE: Hindi pa tapos ang shooting ng Feng Shui 2 dahil sa pasya ng Star Cinema na dagdagan ang mga eksena ng pelikula nina Coco Martin at Kris Aquino na official entry sa Metro Manila Film Festival 2014.

SEEN: Ang pagkalooban mo po ako ng best actor award acting ni Rocco Nacino sa mga eksena niya sa Hiram Na Alaala. Dapat tularan ni Rocco ang natural at effortless acting ng kanyang co-star na si Dennis Trillo.

SCENE: Nabasag ang glass door ng NAIA Terminal 1 arrival area dahil sa Pinoy fans na sumalubong sa pagdating kahapon  ng Bangtan Boys, ang K-Pop group na may show ngayong gabi sa Mall of Asia Arena.

SEEN: Ngayong gabi ang finale episode ng Season 2 ng It Takes Gutz to be a Gutierrez sa E! Channel.

vuukle comment

AMAZING RACE PHILIPPINES SEASON

AOBA RYOKUCHI PARK

BANGTAN BOYS

COCO MARTIN

CONGRESSMAN MANNY PACQUIAO

DENNIS TRILLO

FENG SHUI

HIRAM NA ALAALA

IT TAKES GUTZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with