^

PSN Showbiz

Kahit iniwan ni Isabelle, Solenn kaibigan pa rin ang dating ka-partner

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hindi lingid sa kaalaman ni Solenn Heussaff ang paglipat ng kaibigan niyang si Isabelle Daza sa Kapamilya Network. Bukod sa iisa ang kanilang manager na si Leo Dominguez, magkasama rin sila Solenn at Isabelle sa lifestyle show na Taste Buddies ng GMA News TV na iniwanan ni Isabelle. May balitang si Iya Villania ang makakapalit ni Isabelle sa nasabing show.

Kahit na nasa magkaribal na istasyon na sila ngayon, wala naman umanong epekto ito sa kanilang pagkakaibigan.

The singer-actress Solenn remains a Kapuso.

Annabelle mahigpit na lola rin?!

Hindi na bago ang “love-hate” relationship ng mag-inang Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez dahil na rin siguro sa pagiging over-protective mother ni Annabelle sa kanyang unica-hija na nagkaroon ng failed relationships in the past at maging ang failed marriage nito sa Turkish businessman na si Yilmaz Bektas kung kanino siya nagkaroon ng dalawang magagandang apo na sina Lorin at Venice.

Hindi kaila sa lahat na kung hindi sa “panghihimasok” ni Annabelle sa kanyang anak na si Ruffa ay baka kung ano na ang nangyari sa kaisa-isang anak na babae nila ni Eddie Gutierrez.

Alam ni Ruffa na mahal na mahal siya ng kanyang ina pero nakakalimutan daw minsan ng kanyang mommy na malaki at may edad na siya para panghimasukan ang kanyang buhay-pag-ibig.

Hindi umano pabor si Annabelle sa bagong nobyo ni Ruffa pero dahil  mahal ni Ruffa ang bagong boyfriend, wala rin namang magawa ang kanyang ina kundi tanggapin ito.

In her past failed relationships, si Annabelle parati ang unang sumasalo at sumusuporta sa kanyang unica hija.

Kung gaano ka-protective si Annabelle kay Ruffa, malamang na gawin din niya ito sa kanyang dalawang apong babae kay Ruffa.

vuukle comment

ANNABELLE

ANNABELLE RAMA

EDDIE GUTIERREZ

ISABELLE DAZA

IYA VILLANIA

KANYANG

KAPAMILYA NETWORK

LEO DOMINGUEZ

RUFFA

RUFFA GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with