^

PSN Showbiz

Ralph Fiennes tinalo ni Allen Dizon! Derek lalayas na sa TV5?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Muling magpapakita si Andrea Torres ng kaseksihan niya sa isang napaka-sizzling na sexy number na gagawin niya sa Sunday All Stars.

Si Andrea ang nasa cover ng FHM, kaya isasa­bay na rin sa SAS ang pag-promote ng naturang men’s magazine.

Maingat si Andrea sa katawan niya dahil kailangan ding ma-maintain ang kaseksihan niya para sa Ang Lihim ni Anassandra.

PAK: Ayaw nang magtampo ni Allen Dizon sa ‘di gaanong pagpansin sa pagkapanalo niya bilang Best Actor sa nakaraang Hanoi International Film Festival, sa pelikulang Magkakabaung.

Nanalo rin siya sa Harlem International Film Festival at marami ang nakapansing hindi man lang ito nabigyan ng halaga.

Dumating na si Allen galing Vietnam dala ang naturang parangal para sa bansa, pero tila hindi man lang ito napansin.

Okay lang daw iyun kay Allen dahil ang mahalaga ay nagbigay siya ng karangalan sa ating bansa.

Mabuti na raw na nakausap siya ng media para maiparating sa lahat ang magandang balita, kaya masaya na raw siya run.

“Nandito kayo para sa akin, pinahalagahan n’yo kung ano ang napanalunan ng pelikula namin. Enough na sa akin ‘yun. Happy na ako,” pahayag ni Allen.

Tinalo ni Allen sa kategoryang iyun si Ralph Fien­nes na bida sa pelikulang Two Women na entry ng Russia.

BOOM: Totoo kaya ang narinig naming inaayos na raw ang pagbabalik ni Derek Ramsay sa ABS-CBN 2?

Pinag-uusapan daw ngayon sa Kapamilya network ang pagbabalik doon ng hunk actor pagkatapos silang magkatampuhan dahil sa pag­lipat niya sa TV5.

Wala kaming ideya kung hanggang kailan na lang ang kontrata ni Derek sa Kapatid network, pero may lu­mulutang na ganung isyu na dapat sagutin ng aktor.

Sinubukan naming hingan ng reaksyon ang ilang taong malapit kay Derek, pero hindi pa sila sumasagot.

Tingnan natin kung sasagutin ito ni Derek sa nalalapit na presscon ng pelikula niyang English Only, Please na entry nila ni Jennylyn Mercado sa nalalapit na Metro Manila Film Festival (MMFF).

vuukle comment

ALLEN DIZON

ANDREA TORRES

ANG LIHIM

BEST ACTOR

DEREK

DEREK RAMSAY

ENGLISH ONLY

HANOI INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

HARLEM INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with