^

PSN Showbiz

TV host/actress tinanggalan ng K na magsalita ang mga staff pag nasa loob ng sasakyan!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Natatawang naiinis ang mga nakikinig sa mara­ming kuwento ng isang source tungkol sa isang sikat na babaeng personalidad. Naging staff kasi ng pamosong personality ang pamangkin ng impormante kaya marami itong alam tungkol sa sikat na babaeng celebrity.

Kapag bumibiyahe na kuno ang sikat na TV at movie personality papunta sa kanyang taping, shooting at pictorial ay karay-karay siyempre niya ang kanyang staff.

Para silang maglilipat-bahay sa dami ng mga kagamitang dala-dala ng female personality na ang iba’y kailangan sa linya ng kanyang trabaho at ang iba nama’y hindi, basta dala-dala lang nila, wala lang.

“Ang nakakalokang kuwento ng pamang­kin ko na matagal din niyang naging staff, kapag nasa sasakyan na raw sila, e, wala silang karapatang mag-ingay.

“Hindi sila puwedeng magkuwentuhan sa car, kaya ang ginagawa na lang nila, e, puro bulungan at senyasan lang. Lalo na raw kapag bad hair day ang mood ng girl, hindi na halos sila humihinga, dahil baka ma-award sila ng boss nila!

“Ang may karapatan lang magsalita at mag-ingay siyempre, e, ang boss nila. Habang papunta sila sa location, walang patumangga siyang nakikipagkuwentuhan at nakikipaghalakhakan sa mga kausap niya.

“E, nakakukulili pa naman sa tenga ang boses niya, di ba? Kaya kapag humahalakhak na siya, e, nagtatakip na lang ng tenga ang staff niya!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

At maselan kuno ang pang-amoy ng sikat na female personality, ayaw niyang may naaamoy na kakaiba sa car niya, kaya nagagamit lang ng kanyang staff ang mga paborito nilang pabango at cologne kapag hindi siya kasama.

“Ang kaartehan niya kung minsan, e, hindi na ma­ganda, pati kasi ang karapatan ng ibang tao, e, tinatapakan na niya. May K siyang gawin ang ganu’n, kasi nga, sikat siya. Kasi nga, may K ang name niya!” sabi pa ng aming impormante.

Ubos!

Buhay ni Derek para lang Amazing race

Habang tumatagal at habang pakonti na lang nang pakonti ang mga kalahok ay mas nagiging interesanteng tutukan ang The Amazing Race Philippines Season 2 na ihino-host ni Derek Ramsay.

Pahirap nang pahirap ang mga ipinagagawa sa kanila, nagiging dahilan ‘yun ng kanilang pagpepersonalan, at nagiging ugat din tuloy ng away ng magkakakamping contestants.

Kuwento ni Derek, “Mae-expect na natin ang personalan towards the end, natural lang na mag-ipitan na sila, because all of them want to win. Patindi na nang patindi ang labanan hanggang sa huli.”

Marami kaming tinatanggap na komentong negatibo tungkol sa mag-amang kalahok, naiinis ang mga kababayan natin sa anak, dahil sobra itong makasagot sa kanyang tatay.

Marami namang pabor na magtagumpay ang magkapatid na contestants, kitang-kita kasi sa kanila ang pagmamahalan at pagrerespetuhan, nagtutulungan sila sa mga ibinibigay na paghamon ng palabas.

Hindi rin nagkakasundo ngayon ang dating partners, nagmumurahan na sila (naka-bleep lang), nagkakainitan at nagbabatuhan pa nga at nagkakasakitan na nang pisikal.

Kitang-kita na sa aura ni Derek Ramsay ang katahimikan ng kalooban, wala na kasing bumabagabag ngayon sa kanya dahil tapos na ang giyera nila ng kanyang ex, malaya pa niyang nakakasama ngayon ang kanyang anak na si Austin Gabriel.

Pana-panahon lang talaga ang mga pagsubok sa buhay na ito. Kailangan lang nating ma­ging matatag at magkaroon ng paninindigan. Parang sa The Amazing Race Philippines lang din.

Kapag hindi ka kumilos, kulelat ka sa takbuhan, kapag nagpabaya ka, talo ka sa laban.

 

vuukle comment

AMAZING RACE PHILIPPINES

AMAZING RACE PHILIPPINES SEASON

AUSTIN GABRIEL

DEREK

DEREK RAMSAY

LANG

NIYA

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with