^

PSN Showbiz

Umakyat pa ng ring at nagdasal pagkatapos ng laban Mommy D OA na ang pinaggagagawa

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Overacting at hindi na natatawa ang mga tao sa mga ginagawa ni Dionisia Pacquiao kapag may laban ang kanyang anak na si Manny Pacquiao. Kinabuwisitan si Dionisia nang umakyat siya kahapon sa boxing ring at dinasalan si Manny matapos ang pakikipagsagupaan nito kay Chris Algieri.

SCENE: Sintunado ang pag-awit ng mga pastor sa Philippine National Anthem sa Pacquiao-Algieri fight. Super project ang mga choir member habang kumakanta.

SEEN: Ang pelikula nina Kim Chiu at Xian Lim na Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo ang itinapat ng ABS-CBN sa delayed telecast ng GMA-7 sa Pacquiao-Algieri fight.

SCENE: Ang pasa­salamat kahapon ni Kim Chiu dahil nag-trending kahapon ang pelikula nila ni Xian Lim. Kaduda-duda ang trending dahil nakasubaybay kahapon ang karamihan sa laban nina Pacquiao at Algieri.

SEEN: Ngayong gabi ang pilot telecast ng Dream Dad, ang feel good primetime series ng ABS-CBN na kapalit ng Hawak Kamay.

SCENE: Awkward ang acting ng direktor na si Paul Soriano sa television commercial nila ng kanyang girlfriend na si Toni Gonzaga. Katawa-tawa ang hitsura ni Soriano na mas bagay na direktor kesa artista.

vuukle comment

BAKIT HINDI KA CRUSH

CHRIS ALGIERI

CRUSH MO

DIONISIA PACQUIAO

DREAM DAD

HAWAK KAMAY

KIM CHIU

XIAN LIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with