^

PSN Showbiz

Maricel at Bistek pagsasamahin sa pelikula

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Masaya kung matutuloy ang nabalitaan naming pagsasamahin sa pelikula ng Viva Films sina Maricel Soriano at Quezon City Mayor Herbert Bautista. Kasama raw ang dalawa sa isang trilogy movie na ang cast ay bubuuin ng ibang Viva stars.

Dahil si Mayor Herbert ang makakasama ni Maricel, ibig sabihin, comedy ang gagawin nilang pelikula. Masusunod kung ganu’n ang wish ni Maricel na comedy naman ang gawing pelikula after ng Ang Dalawang Mrs. Real. Si Andoy Ranay din daw ang magdidirek ng movie.

Christian uunahin ang panonood kina Rachelle Ann at Mark sa London bago mag-promote ng bagong album

Hinihintay na nga ng fans ni Christian Bautista sa Indonesia ang kanyang Soundtrack album from Universal Records. Kaya lang, sa launching ng al­bum, nabanggit ni Christian na next year pa magi­ging available sa ibang Asian countries ang bago niyang album.

Next year na rin daw siya magsisimulang mag-promote after his London trip para panoorin si Ra­chelle Ann Go sa Miss Saigon at si Mark Bautista sa Here Lies Love. Worth waiting ang album dahil sa ganda, siguradong his fans won’t mind to wait a little longer bago makakuha ng bagong album ni Christian.

Maganda ang 12-track album ni Christian na ang carrier single ay ang Up Where We Belong na theme song ng Koreanovela na Empress Ki ng GMA-7. Pang-come on din ng album ang duet ni Christian with female singers kabilang ang Come What May nila ni Nikki Gil, Cruisin’ nila ni Julie Anne San Jose, After All nila ni Karylle at The Way We Were nila ni Rachelle.

Sa presscon/album launch, na kung ire-reinvent niya ang sarili, gusto niyang makapareho kina Basil Valdez at Jose Mari Chan na at their age, marami pa rin ang nagkakagusto.

Samantala, tuwang-tuwa si Christian sa first acting nomination niya sa Aliw Awards para sa Ghost The Musical. Pareho silang nominated ni Cris Villonco pati ang director nilang si Bobby Garcia.

Natawa pala kami sa wish ni Christian na sana hindi muna patayin ang ka­rak­ter niya sa Strawberry Lane dahil may mga pinapatay nang karakter.

Isabelle kasama na sa bagong seryeng Nathaniel

Kahit nasa ABS-CBN na si Isabelle Daza, patuloy siyang mapapanood sa GMA News TV for sometime dahil maraming pondo ang na-taping nila ni Solenn Heussaff ng Taste Buddies. Ang sabi sa amin, baka more than one month ang episodes na tapos nang gawin ng dalawa.

Wala pang balita kung sino ang ipapalit ng GMA News TV kay Isabelle sa show nila ni Solenn. Ang isang suggestion ay ang kapatid ni Solenn na si Erwan Heussaff dahil totoong chef ito.

Anyway, makakasama na si Isabelle sa bagong serye ng ABS-CBN na Nathaniel.

vuukle comment

AFTER ALL

ALBUM

ALIW AWARDS

ANN GO

BASIL VALDEZ

BOBBY GARCIA

CHRISTIAN

CHRISTIAN BAUTISTA

COME WHAT MAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with