^

PSN Showbiz

Valerie nati-tension sa Miss World

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Mukhang malaking pressure ang nakaatang sa balikat ni Valerie Weigmann, ang Miss World Phi­lippines na siyang kinatawan ng Pilipinas sa idaraos na Miss World pageant sa London sa darating na December 14 kung saan isasalin ni Megan Young ang kanyang korona.

Positibo ang pananaw ng national director ng Miss World Philippines na si Cory Quirino na mu­ling mauulit ang tagumpay ni Megan Young last year nang kanyang maiuwi ang kauna-unahang korona ng Pilipinas sa Miss World competition. 

“Nakakatuwa lamang ang suporta na galing sa ating mga kababayan. I really need their prayers and support,” ani Valerie na minsan ding naging bahagi ng long-running noontime show na Eat Bulaga.

Alonzo nakasama na naman si Ryzza Mae

Muling natupad ang wish ng child star na si Alon­zo Muhlach na muling maka­trabaho ang child superstar na si Ryzza Mae Dizon nang mag-guest ang bunso ni Niño Muhlach sa weekly sitcom nina Vic Sotto at Ryzza Mae sa GMA, ang Vampire ang Daddy Ko. Kaya tuwang-tuwa ang bagets dahil muli niyang nakita at nakatrabaho ang kanyang itinuturing na bagong best friend na si Aleng Maliit.

Excited na pareho sina Ryzza Mae at Alonzo na sumukay sa float ng My Big Bossing on December 23 bilang panimula ng 2014 Metro Manila Film Festival kung saan ang My Big Bossing ay isa sa mga kalahok.

Pilita proud kay Janine

Asia’s Queen of Song Pilita Corrales enjoys her stint sa Vampire ang Daddy Ko nina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon. Although singing ang first love ng nanay nina Jackielou Blanco at Ramon Christopher Gutierrez, hindi nito ikinakaila na nagi-enjoy din siya bilang isang comedienne.

“Dapat kasi ganun.  I-enjoy mo ang ginagawa mo para magaan ang pakiramdam,” dugtong pa ni Pilita na isa sa mga veteran stars na dumalo sa Senior Prom Reunion ng mga veteran stars at movie icons ng industriya ng pelikulang Pilipino na ginanap sa Sam­paguita Gardens events place. “I arrived late ka­si nanggaling pa ako sa isang out-of-town show.  But it was fun,” aniya.

Still on Pilita, she’s truly proud sa kanyang apong si Janine Gutierrez dahil sa magandang takbo ng career nito.  Si Janine ay panganay na anak ng estranged couple na sina Ramon Christopher at Lotlot de Leon.

 

vuukle comment

ALENG MALIIT

DADDY KO

MEGAN YOUNG

MISS WORLD

MY BIG BOSSING

PILITA

RYZZA MAE

RYZZA MAE DIZON

VIC SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with