^

PSN Showbiz

Geoff malaki pa ang galit kay Carla, ni ayaw nang maging kaibigan

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Magkakaroon ng malaking parada sa Quezon City sa December 13 na bale pagbabalik ng Pride March na binubuo ng grupo ng LGBT sa tulong ng Quezon City Pride March Team.

Pinaghahandaan na ito ngayon ng Quezon City na inaasahan din ang partisipasyon ng lahat na lungsod ng Metro Manila at ng buong bansa.

Sasalihan ito ng mga kilalang personalidad na kung saan ay bibigyan sila ng parangal mula sa LGBT.                      

Sabi ni QC Vice Mayor Joy Belmonte, sa ganitong paraan ay maiparating nila sa lahat ang pantay-pantay na pagturing sa lahat lalaki ka man o babae, bakla ka man, o tomboy.

Ang malaking event na ito ay kasabay ng selebrasyon ng World AIDS Day sa December 1, at International Human Rights Day sa Dec. 10.

PAK: Totoo bang hindi na matutuloy ang paglipat ni John Prats sa GMA 7.

Ang nakarating sa amin na kuwento mula sa kampo ng ak­tor, hindi raw nila nagustuhan ang unang project na gagawin niya sa kanyang pagbabalik.

Gagawin daw sana ni John ang isang episode sa Magpakailanman na bale iyun ang unang project sa paglipat sa Kapuso network. Pero hindi raw nila nagustuhan ang role na gagampanan, at nahihinaan daw sila kung iyun ang gagawin ng aktor.

Pero ang narinig namin, hindi raw nagkasundo sa kon­tra­ta na kayang ibigay ng GMA 7. Pero tingnan natin baka tanggapin pa rin nina John at matuloy na rin ang paglipat.

BOOM: Hindi pa rin nagsalita si Geoff  Eigenmann tungkol sa break-up nila ni Carla Abellana, at bukas sa Startalk ay mapapanood ang mga pahayag ng Kapuso actor.

Deretso ang sagot ni Geoff na malabo na raw maging magkaibigan pa sila ni Carla.

Aniya; “I don’t think it will happen. Not anytime soon for sure. I don’t know. These things I won’t think about and no plans of thinking about.”

Sagot naman ni Carla; “Hindi ko alam. We’ll never know. We’re talking about God’s plan. We don’t know what God’s plan  for us. Sa ngayon, ayoko siyang pag-usapan.”

                                                                            

vuukle comment

CARLA

CARLA ABELLANA

GEOFF

JOHN PRATS

KAPUSO

PERO

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with