^

PSN Showbiz

Cristine naumay na sa taga-showbiz na BF

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ngayong inamin na ni Cristine Reyes ang kanyang pagbubuntis courtesy of her Fil-Persian non-showbiz boyfriend na si Ali Khatibi na isang mo­del at mixed martial arts expert, nag-flashback sa amin ang pahayag ni Cristine several months back na gusto na niyang itigil ang pagpapa-sexy both sa TV at pelikula. Nag-walk-out din siya sa premiere night ng pelikulang The Gifted nang siya’y tanungin kung siya’y buntis.

Bago nabuntis si Cristine, naging ex-boyfriends niya sina Dennis Trillo, Ri­chard Gutierrez (pero tago), Rayver Cruz at ang pinaka-shortest relationship niya ay si Derek Ramsay na tumagal lamang ng isang buwan.

Malamang na naumay na siya sa boyfriend na taga-showbiz kaya sa isang non showbiz siya nag-decide na magkaroon na ng anak.

Nash at Alexa bumagay sa Bagito

Sa merienda presscon ng Bagito noong nakaraang Linggo kung saan nagkaroon ng preview ang week-long episode ng bagong serye, maraming taga-entertainment media ang napaiyak.  Napakaganda ng serye at tiyak na kapupulutan ng aral ng mga manonood laluna ng mga kabataan at mga magulang.

Tinatampukan ito ng mga teen stars na sina Nash Aguas at Alexa Ilacad kasama sina Ella Cruz, Paolo Santiago, Alex Diaz, Joaquin Reyes, John Bermundo, Grae Fernandez, at Brace Arcuia mula sa magkatulong na direksiyon nina Onat Diaz at Jojo Saquin at nagsimula na itong mapanood noong Lunes (Nov. 17) bago mag-TV Patrol.

Kung namamayagpag na sa kasikatan ngayon ang loveteam nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, hindi ito mala­yong mangyari sa loveteam nina Nash at Alexa ngayong humahataw ang Bagito kahit kakaumpisa pa lang nito.

Alonzo Muhlach nang-agaw na naman ng eksena

Agaw eksena ang four-year-old son ni Niño Muhlach na si Alonzo sa Senior Prom Reunion ng mga veteran stars na ginanap sa Sampaguita Gardens events place (along Valencia St.) in Quezon City dahil tumungtong ito sa kanyang inuupuang silya para sumayaw sa disco music sa venue. Sa halip na nakatutok sa may stage ang attention ng lahat, si Alonzo ay may sariling “show”.

Tuwang-tuwa siyempre ang mga naroroon dahil sa pagka-cute at bibo ng apo ni Alex Muhlach.

Si Alonzo ang pinakabata at nakihalo sa mga veteran actors and actresses na dumalo sa grand reunion ng mga movie icons at kasama na rito ang kanyang amang si Niño na naging Child Wonder nung dekada sitenta.

Sa sobrang tuwa ng entertainment editor/columnist ng Philippine Star at Startalk host na si Ricky Lo, niyakag niya ang mag-amang Niño at Alonzo sa ancestral house ng Vera-Perez kung saan siya nagkaroon ng instant pictorial para sa kanyang column sa Philippine Star.

vuukle comment

ALEX DIAZ

ALEX MUHLACH

ALEXA

ALEXA ILACAD

ALONZO

BAGITO

PHILIPPINE STAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with