^

PSN Showbiz

Ni singko ‘di nagbigay ng sustento, male singer kinalimutan na ang anak sa kapwa singer

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kundi lang pinagpapayuhan ng kanyang mga kaibigan ang isang female singer na nakarelasyon at naanakan ng isang pamosong male singer ay matagal na siyang nag-ingay.

Punum-puno na ang babae, gustung-gusto na niyang magsalita on national television para ipaalam sa publiko kung gaano kairesponsable ang male singer na ama ng kanyang anak, mabuti na lang at nahihimas pa siya ng kanyang mga kaibigan.

Kuwento ng aming source, “Matagal din silang nagsama ng male singer, nagkaanak sila, teenager na ngayon ang bata. Dahil kumikita rin naman ang babae, saka tinutulungan din siya ng family niya, e, kinakaya niya ang mga pangangailangan ng anak niya.

“Pero masyado namang relaxed ang lalaking dapat sumagot sa mga obligasyon para sa bata, ni hindi man lang siya nangungumusta, parang deadma lang siya sa anak niya.

“Napakalakas niyang kumita, hindi siya nawawalan ng show dito at sa ibang bansa man, pero napakairesponsable niyang tatay. Ni ha, ni ho, walang pagpaparamdam ang taong ‘yun sa mag-ina niya!” napapailing na kuwento ng aming source.

Dalawang bisyo ng male singer ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ng female singer. Babae at isang bisyong puwede namang tanggalin ng singer pero kung bakit binabalik-balikan pa rin nito.

Nag-aalala ang babae na baka mahawa siya ng sakit sa lalaki dahil sa sobrang kahiligan nito sa babae. Nawawala rin sa huwisyo ang male singer kapag nakapailalim na ito sa isang bisyong unti-unting magpapaigsi sa kanyang buhay at career.

“Magaling kumanta ang anak nila, nag-eentablado na ang bagets, lagi siyang standout sa mga ginagawa niyang stage musicale. Kailan aakuin nu’ng male singer ang pagiging tatay sa bata, kapag sumikat ang anak niya sa stage?” tanong pa ng aming impormante.

Matakot sana ang male singer na ito sa ganti ng kapalaran. Ubos!

Ipinakilala na sa pamilya Julian may mas malalim nang relasyon kay Iñigo

Isang malalim na pagkakaibigan ang nabuo kina Julian Estrada at Iñigo Pascual habang ginagawa nila ang pelikulang Relaks, It’s Just Pag-ibig.

Sa ilang buwang shooting ng proyekto ay halos araw-araw silang magkasama, malapit lang o malayo ang kanilang location, kaya nang matapos ang principal photography ng pelikula ay nakaramdam sila ng lungkot.

Parehong bagets, magkapareho ang kanilang mga hilig, kaya lumalim ang pundasyon ng kanilang pagkakaibigan. Hindi sila nagpapaapekto sa kumpe­tisyong gustong gawin ng iba sa kanila, ang mahalaga ay ang kanilang pagkakaibigan, ayaw nilang masira ‘yun.

Nu’ng Linggo nang hapon ay kasamang dumating ni Julian Estrada si Iñigo sa PNP Custodial Center, ipinakilala niya nang personal sa kanyang ama si Iñigo, dati nang magkakilala sina Iñigo at Precy Ejercito dahil dumadalaw ito paminsan-minsan sa shooting.

Inasikasong mabuti ni Senador Jinggoy Estrada si Iñigo, ‘yun ang katangi-tanging ugali ng pamilya, kapag minahal mo ang isa sa kanila ay mamahalin ka na nilang lahat.

Ipinakilala rin ni Julian ang kanyang bestfriend sa mga pinsan niya, mga tito at tita, pati sa pamilya ni Senador Bong Revilla.

Sabi ni Precy, “Believe ako sa batang ‘yan, sa Amerika siya nag-aral, pero ang ugali niya, Pinoy na Pinoy pa rin. Mabait at magalang si Iñigo.”

vuukle comment

CUSTODIAL CENTER

IGO

IPINAKILALA

JULIAN ESTRADA

JUST PAG

NIYA

SINGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with