^

PSN Showbiz

Zanjoe umamin: Bea ayaw pa raw pakasal

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kung sakali mang hindi magtuluy-tuloy ang relasyong Bea Alonzo at Zanjoe Marudo, hindi sila ang magiging dahilan kundi ang pressure na idinudulot ng napakaraming intriga at kontrobersya na gusto silang paghiwalayin. Marinig mo ba naman araw-araw na on the verge of parting na sila, na nagiging malabo na ang relasyon ng dalawa. Kahit gaano katatag ang pagsasama ng dalawang tao ay maaapektuhan at maaapektuhan dahil sa mga ganitong paratang lalo’t bihira silang magkita dahil hindi mag-swak ang schedule nila. Before they know it, estranged couple na sila, galit na sa isa’t isa.

“Hindi ko malaman kung saan nanggagaling ang mga ganitong balita,” panimula ni Zanjoe sa presscon ng Dream Dad, isang bagong serye ng ABS-CBN na nagsimula na ang ta­ping matapos ang kabisihan ni Bea sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon. Kung nu’ng walang regular na trabaho si Zanjoe ay wala silang pagkakataon na magkita dahil magdamagan ang taping ni Bea, ngayon tapos na ang serye ay si Zanjoe naman ang nagsisimula ng sa kanya.

“Wala namang nagbabago sa relasyon namin, ganun pa rin naman baga­man at tulad din kami ng ibang couple na nagkakaro’n ng pagtatalu-talo minsan, pero tungkol lang ito sa kakulangan namin ng panahon. Napag-uusapan naman namin ito at napagkakasunduan. We see to it na binibigyan namin ng panahon ang isa’t isa, lumalabas kami ng bansa nagbabakasyon kami. So talagang clueless kami pareho kung saan nagmumula ‘yung sinasabing problema namin. Wala talagang ganito,” dagdag pa ng aktor.

Baka naman nag-uugat ito sa hinihintay ng marami na proposal niya sa aktres na hanggang ngayon ay hindi pa nangyayari.

“Mutual agreement namin dito. Konting panahon pa at dito rin kami papunta. Akala n’yo ba hindi ako magpo-propose sa kanya kung ina­akala kong handa na rin siya?,” tanong ng aktor .

Kaya hindi nagtagal, Ejay at Yam langit at tubig ang pagitan

Sayang at hindi nag-work ‘yung relasyon nina Ejay Falcon at Yam Concepcion. Bagay sana sila na tulad ng pinatunayan ng pagsasama nila sa Du­gong Buhay. Pero si Ejay na rin ang umamin na hindi sila compatible na dala­wa, marami silang hindi pinagkakasunduan. Una na ang lifestyle nila, laking probinsya si Ejay, samantalang city girl naman si Yam. Obviously mahilig ito sa limelight at si Ejay ay kuntento na sa kanyang simpleng pamumuhay. Langit at tubig sila kumbaga na pinaglapit lamang ng kanilang trabaho kaya pagkatapos nito ay nawala na rin ang ma­gic. ‘Yun lang.

vuukle comment

BEA

BEA ALONZO

DREAM DAD

EJAY

EJAY FALCON

SANA BUKAS PA ANG KAHAPON

ZANJOE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with