^

PSN Showbiz

Singer-actress isinusumpa ng concert produ sa abroad, sobra ang kakapalang maningil ng downpayment kahit wala pang kontrata

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nagbalikbayan ang isang show promoter-producer sa ibang bansa kailan lang. Isa ito sa mga kababayan nating nagdadala ng mga performers sa bansang malamig na matagal na nitong itinuturing na ikalawang tahanan.

Nakasagutan nito nu’n ang isang singer-actress na pinaplano pa lang nila ang magiging show sa bansang pinagtatrabahuhan nito ay hingi na nang hingi ng paunang bayad.

Kuwento ng aming source, “Saan ka naman makakakita ng taong wala pa nga ang show, pinaplano pa lang, pero hingi na nang hingi ng downpayment sa show?

“Natural, nairita sa kanya ang producer, pinaplano pa lang, ni wala pa nga silang pirmahan ng kontrata at wala pang date at venue ang show, kumukuha na ng deposito?

“Aba, nagalit pa sa kanya si ____(pangalan ng singer-actress), hindi raw pala siya magandang kausap, minura pa siya!” pagdedetalye ng aming impormante.

Kahit daw tawasin pa ito at kahit pa raw ibagsak ng singer-actress ang kanyang presyo ay hindi pa rin nito kukunin ang serbisyo ng female personality.

May nagbu-book na pala sa kanya ng show para sa singer-actress, pero isa lang ang sinabi ng ating kababayan, “Hindi bale na lang, ayokong maubusan ng dugo.”

“Maraming show promoters ang umiiwas nang makatrabaho ang babaeng ‘yun. Nakakatakot kasi, dahil ‘di ba, bigla na lang siyang hindi sumisipot sa show?

“Mukhang matindi ang pangangailangan niya ngayon, nagpapa-book siya sa mga promoters, pero walang kumukuha sa show,”  paglilinaw uli ng aming source.

May nakakatawa pang kuwento. Kapag pala tumatanggap ng show sa ibang bansa ang actress-singer na ito ay meron siyang mahalagang mensahe para sa producer. Hindi baleng may kaliitan lang ang hotel basta may casino.

Ubos!

Maegan magulo ang buhay dahil sa kamalditahan sa ama

Bugbog-sarado si Maegan Aguilar sa kanyang ka-live-in na musikero. Ito ang lalaking sinasabi niya nu’ng kasagsagan ng away nilang mag-ama na asawa niya, hindi basta ka-live-in lang, pero lumabas din ngayon ang totoo.

Naka-neck brace pa si Maegan habang naka-wheel chair, sobrang pambubugbog daw ang inabot niya sa lalaki, dati na raw siyang sinasaktan nito pero ngayon ang pinakamatindi na hindi na niya mapalalampas pa.

Inaasahan na ng mas nakararami na iikutin uli ni Maegan Aguilar ang lahat ng istasyon para sa kanyang pagpapainterbyu. Ganu’n din kasi ang ginawa niya nu’ng mag-away sila ni Ka Freddie, lahat ng talk shows ay inupuan niya, may bonus interview pa siya sa mga news programs.

Kailangang maging bukas ang isip ni Maegan sa pagtanggap ng mga negatibong reaksiyon ng mga kababayan natin tungkol sa kanyang pinagdaraanan ngayon. Mas marami kasi ang bilang ng nagsasabing na-karma lang siya kesa sa mga nakikisimpatya sa inabot niyang pananakit ng lasenggo raw niyang karelasyon.

Ganu’n daw talaga ang kinauuwian ng anak na walang respeto at utang na loob sa magulang, hindi nagiging maayos ang takbo ng buhay, lalo na kung hindi pa marunong manghingi ng paumanhin sa magulang ang anak na nagkamali.

Sabi pa ni Maegan ay hindi raw siya lalapit sa tatay niya, isinuka na raw kasi siya, kaya alangan daw namang kumain siya ng suka?

Ang tanong—bakit nga ba kasi siya isinuka ng tatay niya?

vuukle comment

GANU

KA FREDDIE

LANG

MAEGAN

MAEGAN AGUILAR

NIYA

SHOW

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with