^

PSN Showbiz

Mga kilalang personalidad sangkot sa malaking iskandalo na parang bulkang sasabog!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ayokong paniwalaan ang isang tsismis na nakarating sa akin dahil kung totoo man ito, big scandal talaga dahil mga kilalang tao ang sangkot.                               

Papakiramdaman ko na lang muna kung true or false ang balita.

Nakakahiya naman na tanungin ang mga kamag-anak ng sangkot sa alleged scandal dahil baka hindi ito totoo. Hindi ko pinangarap na ako pa ang mag­dagdag ng init sa nagbabagang intriga.

Panghahawakan ko na lang ang katotohanan na walang lihim na hindi nabubunyag. Sooner or later, lalabas din ang the truth and nothing but dahil mahihirapan na mag-deny ang mga sangkot lalo na kung may malakas at matibay na ebidensya.

Mel at Mike isinama si Vicky para mas lumakas

Permanente na palang mapapanood sa 24 Oras si Vicky Morales at para ito sa kaalaman ng mga tao na hindi pa updated sa mga pagbabago na naganap sa mga news program ng GMA 7.

Nagsimula noong Lunes ang stint ni Mama Vicky sa primetime news program nina Mike Enriquez at Mel Tiangco.

At dahil nagbabu na si Mama Vicky sa Saksi, may bago nang partner si Arnold Clavio sa Saksi at ito ay si Pia Arcangel.

Si Connie Sison naman ang ipinalit kay Pia bilang co-anchor ni Raffy Tima sa Balitanghali ng GMA News TV.

Hindi matatawaran ang mga credibility nina Papa Mike at Mama Mel sa paghahatid ng balita at ngayong kasama na nila si Mama Vicky, lalong magiging matatag ang 24 Oras.

MJ naiyak nang mag-propose si Oscar sa Bow bridge

Bilang may kinalaman sa mga news reporter ang column ko ngayon, isali na natin ang balita tungkol sa marriage proposal ng GMA News reporter na si Oscar Oida kay MJ Marfori, ang entertainment news reporter ng TV5.

Magdyowa sina Oscar at MJ at nagkaroon sila ng relasyon kahit  magkaribal ang mga TV station na pinaglilingkuran nila.

Matagal na nagbakasyon ang dalawa sa Amerika at dito nangyari ang marriage proposal ni Oscar kay MJ.

Ibinigay ni MJ kay Oscar ang kanyang “Yes!” sa Bow Bridge sa Central Park, New York.

Si Oscar na dating nanligaw kay Francine Prieto ang naglabas ng news tungkol sa engagement nila ni MJ.

 “The sweetest YES!!!! Thank you and I love you so  much” ang maigsi pero malinaw na report ni Oscar tungkol sa proposal niya kay MJ.

Saksi sa proposal ang heart shaped and white balloons na bitbit ni MJ habang nakaluhod si Oscar na hawak-hawak ang red roses. Siyempre, napaluha si MJ sa surprise ng kanyang dyowa at kitang-kita sa picture ang pagpapahid niya ng luha habang tumutugtog ng gitara ang isang unidentified mhin.

I-report kaya ni MJ sa showbiz segment niya sa Aksyon ang happiest moment niya sa piling ni Oscar?   Ang mga nagbabalita ang laman ngayon ng mga balita. Congrats MJ and Oscar!

(Congrats Oscar and MJ. – SVA)

Kagalingan ni Kobe sa Basketball puring-puri sa Amerika

Proud father si Benjie Paras dahil sa video ng kanyang anak na si Kobe na mapapanood sa website na www.ballislife.com

May reason para maging proud si Benjie dahil bongga ang reviews kay Kobe ng nasabing website dahil sa galing ng bagets sa basketball.

Tiyak na maligayang-maligaya si Benjie dahil kasali siya sa introduction ng website sa kanyang anak:

 “Here is Filipino native, Kobe Paras, of Cathedral High School put on a clinic at the 2014 The League by Compton Magic. Kobe, who recently committed to UCLA, has been around basketball his whole life as his father is a professional player in the Philippines.”

 

vuukle comment

AMERIKA

DAHIL

KOBE

MAMA VICKY

OSCAR

SAKSI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with