^

PSN Showbiz

VP Binay at Sen. Trillanes ‘wag sanang magpaka-showbiz sa kanilang debate

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Nasa showbiz man tayo, hindi natin maiiwasan na hin­di rin pagtuunan ang mga ka­­sa­lukuyang kaganapan sa ating pulitika ngayon. Pina­kaaabangan ang nalalapit na debate nina VP Jejomar Binay at Sen. Antonio Trillanes at umaasa ang lahat na ma­kapagbibigay ng mahahalagang impormasyon ang dalawang magtatalo tungkol sa ikalilinaw ng isyu na kinasasangkutan nila. Mahalaga ang kaganapang ito, dahil ang dalawa ay kapwa may ambisyon na tumakbo sa posisyon ngayon ni P-Noy. Sana, it will not be all politics, makita sana ng mga tao kung namumulika lang sila o nagsasabi ng totoo.

Ryan mas magandang patali sa Kapuso para may ‘kumpetisyon’ sila ni Juday

Sa galing ni Ryan Agoncillo bilang host, may offer sa kanya ang ABS-CBN para mag-host ng Family Feud. Wala naman itong problema sa kanya dahil hindi siya nakakontrata sa Siete, per program lamang ang pinirmahan niya para sa mga programang Ismol Family at Eat Bulaga.

Pero kung ako si Ryan, mag-i-stay na akong Kapuso para hindi makuwestiyon ang loyalty niya kapag nagkaroon siya ng mga programa sa dalawang mahigpit na magkalabang istayon sa TV. At saka, magiging maganda ang kumpetisyon nila ng misis niyang si Judy Ann Santos kapag nasa magkabilang network sila. Kapag pareho na silang Kapamilya, wala nang thrill.

Mike at Mel boring na kaya idinagdag si Vicky?!

Bakit kailangang maging tatlo ang news anchor ng 24 Oras? Kulang pa ba sina Mel Tiangco at Mike Enriquez at kailangang pa silang samahan ni Vicky Morales? Pero hindi siguro ang kakulangan ng dalawang naunang mga host, kung meron man, ang dahilan kaya dinagdagan sila kundi, ang saya na maidaragdag ni Vicky sa dalawa.

 

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES

EAT BULAGA

FAMILY FEUD

ISMOL FAMILY

JEJOMAR BINAY

JUDY ANN SANTOS

KAPUSO

MEL TIANGCO

MIKE ENRIQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with