^

PSN Showbiz

Sumemplang tuloy ang mga pelikula, dalawang aktres parehong may topak pagdating sa pagpu-promote

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Imbyerna ang isang publicist dahil may hinawakan itong pelikula tampok ang dalawang bidang aktres na parehong nag-iinarte.

Si Aktres A ay unang hinawakan nito sa isang indie movie at hirap siya sa promosyon lalo na sa umaga. Hirap daw siyang gumising ng maaga. Sayang dahil ang ganda ng ibibigay na promosyon sa kanya ng programa. Pero gusto niya hapon at gabi lang.

Si Aktres B naman ay nagbida rin sa pelikula. Ayaw niya rin ng gabing gues­t­ing sa telebisyon at radyo. Gusto naman niya sa araw lang. Nagtataka kami kung bakit ayaw niya sa gabi.

Dahil hindi cooperative sa promosyon ng pelikula, sumemplang sa takilya ang nasabing dalawang pelikula.

Coco hindi ikinahihiya ang pamamasada ng jeep ng ama

Mabait na anak si Coco Martin dahil ne­ver nitong ikinahiya ang kanyang ama kahit isa itong jeepney driver. Ibinili ng aktor ang ama ng dyip para may pagkakitaan ito.

‘Yung iba nga namang ama ay nag-resign na sa kanilang trabaho para maging alalay ng kanilang anak. Pero mas pinili pa ng ama ni Coco na mag-drive na lang ng dyip para kumita.

Mabait din sa kanyang pamilya ang aktor dahil magkakasama silang lahat sa isang compound.

 

vuukle comment

AYAW

COCO MARTIN

DAHIL

HIRAP

IBINILI

MABAIT

PERO

SI AKTRES A

SI AKTRES B

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with