^

PSN Showbiz

Jericho walang magawa nang ayawang makatrabaho ni John Lloyd

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Ikinalungkot ni Jericho Rosales nang mapabalitang hindi na niya makakasama si John Lloyd Cruz sa isang teleserye. “Of course I’m very, very sad but I understand certain things, very important things I can’t mention. Pero of course, the opportunity, I’m talking about ‘yung oportunidad na makatrabaho si John Lloyd. Maraming tao ang nalungkot,” seryosong pahayag ni Jericho.

Wala raw nagawa ang aktor sa naging desisyon ni John Lloyd at nirerespeto niya ito. “I respect the guy so much. It’s just a project. Actors have the right to say yes, the right to say no. It depends kung ano ang sitwasyon at panahon,” giit ng aktor.

Ipinaliwanag din ni Jericho na marami na rin siyang tinanggihang proyekto. “Some people say na ‘yung project, ‘Bakit mo pinakawalan?’ mga gano’n. But I have my reasons and I’m happy now and I’m doing this,” dagdag ni Jericho.

Si Xian Lim na raw ang napipisil pumalit kay John Lloyd sa bagong proyekto. “Xian kasi approached me and said, ‘You know excited ako na makatrabaho ka. It’s an honor.’ Sinabi pa niyang ganoon. Xian expressed his excitement and I heard he’s been working hard on the role. So para sa akin, as an actor I will give you my support,” kuwento ng aktor.

Joseph Marco feeling lucky na maso-solo si Coleen

Nalalapit na ang pagwawakas ng teleseryeng Pure Love na pinagbibidahan nina Joseph Marco, Alex Gonzaga, at Yen Santos. Masayang-masaya si Joseph dahil hindi pa man nagtatapos ang nasabing soap opera ay nakatakda na siyang magbida sa Passion De Amor. Nakahanda raw magpaseksi ang binata sa bagong proyekto kung kinakailangan ito. “I’m always ready naman. Feeling ko kasi there’s right timing for everything and ‘yun nga since itong Passion de Amor is a sexy soap. I think it’s going to be good showcase for me na ipakita ang ire-require ng show,” nakangiting pahayag ni Joseph.

Ngayong araw ang huling taping ng Pure Love kaya maaari nang magtuloy-tuloy ang taping ng aktor para sa bagong serye. Si Coleen Garcia ang makakatambal ng aktor dito at isang malaking karangalan daw ito para sa kanya. “I’m lucky and happy na ‘yung nga, ako ‘yung makakatrabaho niya unang-una na makakatrabaho niya when it comes to drama, at ako ‘yung makaka-love team niya. So I’m excited for her and I am looking forward para sa mga scenes namin and yeah I’m excited for her,” pagbabahagi ni Joseph.

Malaki rin ang pasasalamat ng binata dahil magagandang proyekto ang naibibigay sa kanya ng Kapamilya network. “I’m just really glad na at this point na napapansin na din ako. I just keep on improving myself and I am really thankful na nakikita nila ‘yung hard work ko towards my work. I think ‘yon ‘yung isang quality talaga na nakita nila sa akin kung bakit ako kinuha sa isang project. ‘Yung pagiging hardworking and ‘yung determination ko,” paliwanag ng aktor. Reports from JAMES C. CANTOS

 

vuukle comment

ALEX GONZAGA

BUT I

JERICHO ROSALES

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

JOSEPH MARCO

PASSION DE AMOR

PURE LOVE

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with