^

PSN Showbiz

Lovi negosyante na rin!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Negosyante na rin si Lovi Poe. Isa siya sa may-ari ng restaurant-bar na Cable Car sa The Fort.

At ini-enjoy niya ang pagiging investor sa resto-bar. “At least meron akong ibang ginagawa after work,” sabi ni Lovi nang makatsika namin early last week.

So ‘yung bang investment niya sa Cable Car, galing sa mana niya sa namayapa niyang amang si Da King Fernando Poe Jr.?

Ang lakas ng tawa ni Lovi. Inamin kasi ni Lovi na may mana siyang natanggap sa ama pero ayaw niyang idetalye. ‘Di raw puwedeng pag-usapan.

Anyway, bukod sa negos­yo, naglilibang din si Lovi sa pagsali sa mga fun run kasama ang kanyang boyfriend na si Rocco Nacino. Kahapon ay nakatapos sila ng 16K.

At after ng matagumpay na Ang Dalawang Mrs. Real, rest muna sa serye hanggang end of the year ang actress. Pero pagdating ng January, may gagawin na siyang serye pero hindi pa raw muna puwedeng i-reveal para hindi na rin ma-preempt.

Wala mang serye, starting today, mapapanood naman si Lovi sa pelikulang may title na Soap Opera, entry sa ginaganap na Cinema One Originals Film Festival kasama ang boyfriend niyang si Rocco and directed by Remton Siega Zuasola.

The film will have its gala premiere tonight, Trinoma Cinema 1 at 9:00 pm.

Magkakaroon ng 11 screening throughout the festival, from the 10th to the 18th of November ang Soap Opera.

After Soap Opera mapapanood uli si Lovi sa pelikula, Shake Rattle and Roll na isa sa mga pelikulang ka-join sa Metro Manila Film Festival. Third episode, ang Flight 666 opposite Matteo Guidicelli, kasali si Lovi.

Second directorial effort ito ni Perci Intalan. With Lovi and Matteo in Flight 665 are Kim Atienza, Daniel Matsunaga, Nathalie Hart, John Spainhour, Ria Garcia, and John Sweet Lapuz.

After this, sisimulan na rin ng actress ang shooting ng pelikulang Where Love Has Gone for Regal  Films pa rin.

Recently, Lovi’s 2013 teleserye, Titser, produced by GMA News TV/ GMA News and Public Affairs, and directed by Alvin Yapan, ay nanalong Best Drama Series sa recently concluded Catholic Mass Media Awards (CMMA).  Si Lovi na Bench and McDonald endorser accepted the award in behalf of GMA. 

Karla inilihim kay Daniel ang pagsali sa The Voice

Nakakabilib din ang attitude ni Karla Estrada, ang nanay ng teen king na si Daniel Padilla. Imagine tinupad niya talaga ang pangarap niya na makasali sa The Voice of the Philippines.

Saturday night ay umere sa programa ang episode kung saan sumubok si Karla. But sadly, sa apat na hurado na sina Apl.d.Ap, Lea Salonga, Sarah Geronimo, and Bamboo, walang ni isa man lang ang humarap ang upuan para kay Karla. Bagama’t parang nagugulat ang apat kung bakit ganun na lang kaingay ang audience habang bumibirit-birit si Ms. Karla, hindi pumasa sa pandinig nila ang boses ni Ms. Karla.

Nang matapos niya ang kanta, sabay-sabay humarap ang apat na naghahanap ng imi-mentor. “What’s your name,” tanong agad ni Lea na may gulat sa mukha. “I’m Karla Estrada,” sagot naman ng nanay ng sikat na young actor. Doon lang na-realize  ni Lea na ang nanay pala ‘yun ni Daniel.

Pero naging honest si Lea sa pagsasabing hindi sila napa-wow sa boses ni Karla pero magaling naman daw ito. Bumaba sa kanyang upuan si Lea at niyakap ang ina ng actor na minsan na rin niyang pinintasan ang boses sa naturang programa.

Si Sarah naman ay gulat na gulat. At nabanggit lang ang pangalan ng dating actress.

Si Bamboo ay biglang kambyo na mahirap daw ang kanta at si Apl.d.Ap ang sabi naman, si Karla raw ang superstar nila.

Nang tanungin ni Lea kung bakit naisipan niyang sumali:  “Katuparan sa mga pangarap ng kuntisera.”

Ayon kay Karla walang alam ang mga anak niya ang nasabing pagsali niya. “Gusto ko silang gulatin. Kasi kung malalaman nila, baka pauwiin pa nila ako,” sagot niya na natatawa rin.

Besides sa pagkanta naman daw talaga niya binuhay ang kanyang mga anak.

Pero tama si Sarah. ‘Yung humility na ipinakita ni Karla ay nakaka-inspire.

Imagine, puwede namang mag-solo concert na lang siya sa Araneta Coliseum sa rami ngayon ng datung niya dahil sa malaking kita ng anak pero hindi niya ginawa.

Sa simula pa lang ng audition ay sinabi naman niyang sakaling hindi nga siya magtagumpay, magiging masaya pa rin siya dahil ang importante natupad ang pangarap niya.

Kaya nga nang umalis siya sa stage, nagpasalamat pa siya kay Lord at nagawa niya ‘yun na kino-consider daw niyang parang nag-guest na rin siya sa sikat na singing contest ng ABS-CBN.

Yam ibinaon na sa limot si EJay

Ibinaon na sa limot ni Yam Concepcion ang na­ging relasyon nila ni Ejay Falcon.

Ayaw nang alalahanin ni Yam na minsan sa isang panahon ay nagka-affair sila ng actor na parang hindi na yata active ang career ngayon. Nagkasama sila sa isang serye noon.

As much as possible nga raw ayaw na niyang ma-open ang issue sa kanila.

But for the record, nauna nang sinabi ni Yam na walang ni ha ni ho or anything ang sinabi ni Ejay sa kanya nang maghiwalay sila. Basta na lang daw ito nawala at hindi na nagparamdam. Pero one time, nag-text daw ito at nakikipagkita. Pumayag naman si Yam at doon lang nagkapaliwanagan pero kababawan lang na hindi raw bumenta sa kanya. Pero tinanggap na lang daw ni Yam para tapos na ang kuwento sa kanila.

Anyway, to date, limot na ni Yam si Ejay at kahit na raw magkatrabaho uli sila, dedma na siya.

Feeling naman daw niya, kasalanan niya dahil nag-agree siyang magkaroon sila ng relasyon ng actor na matagal-tagal ding na-link kay Sunshine Cruz.

Anyway, kasama si Yam sa Moron 5.2 The Transformation at sa mag-e-ending na drama series ng ABS-CBN na Pure Love na kuwento sa halaga ng pamilya at tunay na pagmamahal.

Cute ang role niya sa Moron 5.2 bilang asawa ni Luis Manzano na sobrang nakakatawa ang character.

Ang Pure Love naman gabi-gabing namayagpag sa timeslot nito dahil sa pampamilyang kwento na pinagbibidahan din nina Alex Gonzaga, Yen Santos, Joseph Marco, Matt Evans, at Arjo Atayde at ni Yam nga.

Umikot ang istorya nito sa buhay ng dalawang babae--sina Diane (Alex) at Ysabel (Yen)--na pinag-isa ng tadhana upang hanapin ang tunay na pag-ibig na makapagbubuo muli sa kanilang mga pagkatao.

Sa huling linggo ng serye, tiyak na mas mapapakapit ang mga manonood sa Pure Love ngayong natuklasan na ni Diane na ang sinasaniban niyang si Ysabel ay ang matagal na niyang nawawalang nakatatandang kapatid na si Danica.

Paano babaguhin ng katotohanan ang buhay nina Diane at Ysabel ngayong mayroon na lamang silang dalawang natitirang araw para tapusin ang kanilang misyon? Ano ang pangyayaring magbibigay-daan upang makuha ni Diane ang kinakailangan niyang huling  pure love tear para muling magising at makasama ang kanyang buong pamilya?

                               

 

vuukle comment

CABLE CAR

KARLA

LANG

LOVI

NAMAN

NIYA

NIYANG

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with