^

PSN Showbiz

Teleseryeng pinagbibidahan ng aktor na feeling superior pero nangungulelat ang rating, sisibakin na!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Malapit nang mag-babu sa TV ang isang teleserye dahil nangungulelat ito sa ratings game.

Ang nalalapit na pagsibak sa teleserye ang dahilan kaya malungkot ang mga artista at production staff dahil hindi matutupad ang kanilang dream na magkaroon ng trabaho hanggang sa Pasko.

Hindi kinagat ng televiewers ang kuwento ng teleserye at hindi rin nila feel ang partnership ng aktor at ng aktres na walang chemistry.

Bukod sa walang spark ang team up ng mga bida, nega ang image ng lead actor na feeling superior sa lahat at God’s give to women.

Trailer ng Kubot malakas ang dating

Kakaiba ang trailer ng Kubot dahil ipinakita nang buo ang isang eksena.

Ang Kubot ang isa sa mga pelikula na official entry sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Bida ng Kubot si Dingdong Dantes at co-producer din siya. Si Dingdong ang prodyu ng Agosto Dos Productions.

Malakas ang impact ng trailer ng Kubot at sa trailer pa lang, marami agad ang nag-predict na malaki ang tsansa ni Dingdong na magkaroon ng acting award dahil sa performance niya.         

Bagong miyembro ng Gutierrez family bibinyagan na

Malapit nang binyagan ang anak nina Elvis Gutierrez at Alexa Uichico.

Invited ako sa binyag ng bagets na karagdagan sa listahan ng mga apo nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

Alam ko na ang ilan sa mga detalye ng binyag pero hindi ko muna ise-share sa dear readers ng PSN para hindi matunton ng mga gaka ang venue.

Tiyak na mapapanood sa It Takes Gutz to be a Gutierrez ang magaganap na binyagan dahil bahagi ng reality show ng mga Gutierrez ang baby nina Elvis at Alexa.

Kinunan ng lady director ng It Takes Gutz to be a Gutierrez ang pagsisilang noon ni Alexa sa panganay nila ni Elvis sa St. Luke’s Global City.

Rachelle Ann at Mark sa London magpa-Pasko

Sinuportahan ni Rachelle Ann Go si Mark Bautista dahil pinanood niya ang Here Lies Love, ang musical na palabas sa National Theater sa London.

Starring sa Here Lies Love si Mark na baka makaranas ng first Christmas at New Year sa London dahil hanggang sa January 2015 pa ang pagtatanghal ng musical na tungkol sa buhay ni former First Lady Imelda Marcos.

Matalik na magkaibigan sina Rachelle at Mark kaya sinuportahan din nito ang Miss Saigon.

P-Noy at Mrs. Marcos muntik na namang magpang-abot

Lumipad kahapon sa Tacloban City si former First Lady Mrs. Imelda Marcos at ang kanyang anak na si Senator Bongbong Marcos.

Dumalo ang mag-ina sa misa para sa mga biktima ni Typhoon Yolanda sa Tacloban City.

Kasama nila sa misa sina Tacloban City Mayor Alfred Romualdez at Councilor Cristina Gonzales.

Mahal na mahal ni Mrs. Marcos ang Tacloban City dahil dito nagmula ang kanyang pamilya.

Naging Miss Tacloban si Mrs. Marcos noong bagets pa siya. The Rose of Tacloban ang beauty title niya noon.

Nang wasakin ni Typhoon Yolanda ang Tacloban City, hindi ito agad na ipinaalam kay Mrs. Marcos dahil alam ng kanyang anak na daramdamin niya ang nangyari.

Eventually, nalaman din ni Mrs. Marcos ang delubyo na sumira sa kanyang beloved city at kabilang siya sa maraming nagbigay ng tulong sa mga kababayan niya.

Ibang lugar sa Leyte ang pinuntahan kahapon ni P-Noy. Kung nagkataon na bumisita ang pangulo sa Tacloban, tiyak na magiging isyu ito tulad ng nangyari nang magpang-abot sila  ni Mrs. Marcos sa burol ng nanay ni Sharon Cuneta noong Huwebes nang gabi In fairness kay P-Noy, nagbigay-galang siya kay Mrs. Marcos nang magkita sila.

vuukle comment

DAHIL

HERE LIES LOVE

IT TAKES GUTZ

KUBOT

MARCOS

MRS

MRS. MARCOS

TACLOBAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with