^

PSN Showbiz

Bangs inamin na ang relasyon nila ni Phil: ‘He completes me everyday’

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Apat na buwan nang nililigawan ni Phil Younghusband si Bangs Garcia. Ayon sa aktres ay una silang nagkakilala ng football player ilang taon na ang nakararaan. “Bago pa lang po kami. We’re just getting to know each other. We’ve known each other since 2012, but we had our own partners pa at that time,” bungad ni Bangs.

Maraming katangian daw ni Phil ang talaga namang gustung-gusto ng aktres. “He inspires me, he completes me each day. We get along very well. What I like most about him is that he’s very God-fearing and we always put God in the center of our relationship. It’s a huge point for me. Kasi I have a younger brother who has down’s syndrome. So I can really relate to him,” paliwanag ni Bangs.

Lalo raw pinagbubutihan ng dalaga ngayon ang kanyang trabaho dahil nagsisilbing inspirasyon sa kanya ang binata. “Gusto ko ‘yun sa kanya. He always supports me in anything and everything that I do. He brings out the best in me without even saying anything. He inspires me to do the best things in life,” pagbabahagi ni Bangs.

Jeron tumatawag pa kay Jane para makatulog

Marami na raw tinanggihan si Jeron Teng na offers upang pasukin ang pag-arte sa telebisyon o pelikula. Sa ngayon ay mas pinagtutuunan daw ng panahon ni Jeron ang kanyang pag-aaral at paglalaro ng basketball para sa team ng De La Salle University. “May mga offers na mag-try ako mag-acting pero siyempre alam ko ‘yung priorities ko. Alam kong may mga commitment ako sa school. Kaya may iba tinatanggihan talaga namin dahil alam ko kung ano ‘yung uunahin ko,” giit ni Jeron. “Sa La Salle, gusto ko lang magbigay ng as much championship as I can. Individually, gusto ko lang mag-improve for me to reach the next level, ‘yung PBA (Philippine Basketball Association),” dagdag pa niya.

Kung sakali mang magtutuloy ang basketbolista sa show business ay mas gusto raw nitong maging isang host sa telebisyon. “Camera shy kasi ako eh,” nakangiting pahayag ni Jeron.

Samantala, kahit matagal nang nauugnay kay Jane Oineza ang binata ay inamin nitong hindi pa rin daw sila opisyal na magkarelasyon. “Friends kami ngayon. Lagi lang kami nag-uusap. Minsan sa gabi ‘pag walang ginagawa, tumatawag ako. Minsan kasi hindi ako makatulog,” kwento ni Jeron.

Para sa binata ay na kay Jane daw ang mga katangiang hinahanap niya sa isang babae. “’Yung nag-guest ako dati sa ASAP, ayun, nakita ko na maganda. Tapos kung magsalita siya, parang alam mo na mabait din,” pagtatapat ni Jeron. Reports from JAMES C. CANTOS

                                               

vuukle comment

BANGS GARCIA

DE LA SALLE UNIVERSITY

JANE OINEZA

JERON

JERON TENG

KASI I

MINSAN

PHIL YOUNGHUSBAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with