^

PSN Showbiz

Hindi na pala talaga si KC... Paulo si 2013 Miss Earth Alyz Henrich ang totoong dini-date

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hindi alam ni 2013 Miss Earth at Miss Venezuela Alyz Henrich na may mga naligalig sa inamin sa isang interview na sweet si Paulo Avelino at lagi siyang gini-greet ng aktor. Warm at friendly din daw ang aktor, pero hindi naikuwento kung saan niya ito na-meet.

Mostly, ang nag-react ay fans na gusto ang love team nina Paulo at KC Concepcion. Hindi galit ang fans, thankful pa nga sila kay Miss Earth sa inamin nito dahil nalaman nilang may tini-text si Paulo maliban kay KC.

Hindi pa nai-interview sina Paulo at KC sa panibagong isyu sa kanilang dalawa. Pero hindi tuluyang malulungkot ang fans nila dahil magkatambal sila sa Christmas Special ng ABS-CBN.

Carlene umaapelang maparusahan ang mga kaskaserong driver ng school bus

Nabasa namin ang post ni Carlene Aguilar sa Instagram (IG) sa nangyaring aksidente sa anak na si Calix Andreas, anak niya kay Dennis Trillo. Nagpasalamat si Carlene na gasgas at bukol sa ulo lang ang tinamo ng anak at kinunan ang picture ng bata na namumula ang right side ng ulo.

Nanawagan si Carlene na managot ang dapat managot sa nangyari sa mga bata at nanawagan na dapat hindi mabilis magpatakbo ang school bus drivers dahil mga bata ang pasahero nila. Worried si Carlene sa mga batang kasama ni Calix na naaksidente at lubhang nasugatan.

Wala pang reaction si Dennis sa nangyari sa anak at nagti-taping yata ito ng Hiram na Alaala nang maaksidente ang anak. Kay Carlene at sa asawa nito nakatira si Calix, pero nahihiram siya ni Dennis at madalas nakakasama ng pamilya ng aktor.

In fact, noong nakaraang Undas, magkasama sina Dennis at Calix na nag-surf sa Baler, Quezon.

Kahit walang career, Jewel mas masaya at tahimik na ang buhay

Natutuwa kami kay Jewel Mische dahil hindi pa rin nakakalimot at personal nitong ibinalita that she’s getting married kay Alistair Kurtzer sa States sa winter. Scottish at engineer ang fiancé ni Jewel at kagaya niya, isa ring Christian. Noon pang December 2012 sila engaged.

Pagbabalita pa ni Jewel, super mabait ang fiancé niya, love na love siya pati ang family nito. “I’m very, very happy. Masaya na po ako ngayon, mas tahimik pa,” sabi nito sa amin.

Wedding gown na gawa ni Francis Libiran ang isusuot ni Jewel sa kasal nila at balak din nilang magkaroon ng wedding ceremony dito sa bansa next year, intimate lang. Plano raw nilang mag-travel after the wedding, wala pa silang planong magka-baby.  Ang first kiss daw nila ay sa wedding day pa nila mangyayari.

Ibinalita rin ni Jewel na nag-gra­duate siya last March at pagka-gra­duate, lumipad for the States at nag-stay doon for six months.

Kababalik lang niya at hindi nasabi kung dito muna siya at saka babalik ng States ‘pag malapit na ang kasal.

May kontrata pa sa ABS-CBN at Star Magic si Jewel, pero hindi pa niya alam kung itutuloy pa ang kanyang kontrata. Ang Paraiso ang last show niya sa ABS-CBN

Jomari unang Pinoy na pasok sa top three sa prestihiyosong car racing event

Nami-miss na ng sumusubaybay ng The Half Sisters si Jomari Yllana, ilang araw na siyang hindi napapanood, hindi makapag-taping dahil naging busy sa car racing sa Korea. Kaya ang karakter niya ay nakaratay muna sa ospital.

Ang good news, nanalo ng second place si Jomari sa Super Race, round 8 championship sa Accent One category sa Yeongam International F1 Circuit. Ginawa sa South Korea noong November 1-2 ang car race. Si Jomari ang first Filipino to win a podium finish sa prestigious super race championship. Ang Yllana-GTR racing team ang fist Filipino racing team to win in the said event.

vuukle comment

ACCENT ONE

ALISTAIR KURTZER

ANG PARAISO

ANG YLLANA

CARLENE

NIYA

PAULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with