^

PSN Showbiz

Operasyon hindi nagtagumpay Mommy ni Megastar Sharon Cuneta namaalam na!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “Hi. I just lost the love of my life today. My Mita will forever be the BEST GRANDMA EVER. She will forever be with me. I love you, my Mita.

“My grandma will forever be my inspiration. She loved life, gave us all beautiful adventures. She knew me more than I knew myself,” magkasunod na tweet kahapon ni KC Concepcion.

Bago ang malungkot na tweet ni KC tungkol sa kanyang lola Elaine Cuneta, ang mommy ng kanyang mommy Sharon Cuneta, nanghihingi pa siya ng dasal sa kanyang Twitter followers dahil ooperahan ang kanyang Mita (Mamita or Lola). “Hi pls send ur prayers up for my grandma. She’s in a make-or-break situation with an operation she has to undergo this morning. Love u all.”

Pero sadly hindi nakayanan ng kanyang lola ang operasyon na 79 years old nang bawian ng buhay at hindi pa nga natatagalan ang nasabing post ni KC, ay malungkot na balita na ang ibinahagi ng actress sa kanyang followers.

Alam sa buong showbiz ang pagiging maka­lola ni KC. Maalalang hindi siya nag-attend ng Star Magic Ball months ago nang malaman niya ang kalagayan ng kanyang lola. “I will miss you laughing this much, this way. I shared so many fun times with you that I will recreate forever. You are my sunshine, Mita,” caption ni KC sa picture ng kanyang lola na kahit nasa hospital ay maganda pa rin ang ngiti.

Halos dalawang buwan din daw namalagi sa hospital ang Mita ni KC.

As of presstime ay wala pang details kung saan ang wake ng mommy ng Megastar.

NU.U Asia center bukas na para sa mga gustong magpaganda pa

May bago na namang pupuntahan ang mga artista’t  mga taong metikuloso’t metikulosa pagdating sa pagpapaganda at pag-aalaga ng kutis. 
Ito’y ang bagong bukas na NU.U Asia Center for Dermatology, Plastic Surgery and Wellness na matatagpuan sa 3rd floor, 32nd and Fifth Building, Bonifacio Global City.

Pinangungunahan ito ni Dr. Giselle Mary Lazaro, mabuting kaibigan ng showbiz stalwart na si Manay Ichu Maceda.

Kasabay ng pormal na pagbubukas ng NU.U Asia Center ang paglulunsad sa bansa ni Dr. Giselle ng tinatawag na Exilis Elite, isang makabagong machine para sa skin tightening at body contouring, at Acoustic Wave Therapy (AWT), isang painless treatment para ma-reduce ang cellulite. 

Mahigit isang dekada na sa larangan ng pagpapaganda si Dr. Giselle. Graduate siya ng Medical degree sa UST at nag-aral ng Dermatological Laser and Cosmetic Surge­ry sa Hong Kong nu’ng 2001. Muli siyang nag-aral sa Thailand, kung saan niya tinapos ang fellowship in Dermatologic Laser Surgery sa Di­vision, Faculty of Medicine ng Ramathibodi Hospital, Mahidol University sa Bangkok.
No wonder, marami ang bilib sa kanya, gaya na lang ng celebrity guests ng NU.U Asia Cen­ter opening, sa pangunguna ng mag-inang Ma­nay Ichu at Manila Councilor Edward Ma­ceda, newscaster Cherry Mercado, TV host Anthony Pangilinan, former actor Monsour del Rosario at Atty. Lorna Kapunan.
Para sa mga serbisyo ng Nu.U, tumawag lang sa (632)846-5013 o 0916-6474640.

                         

 

vuukle comment

ACOUSTIC WAVE THERAPY

ANTHONY PANGILINAN

BONIFACIO GLOBAL CITY

CHERRY MERCADO

DR. GISELLE

KANYANG

MITA

U ASIA CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with