^

PSN Showbiz

Kris bumata ang hitsura nang magpa-make up kay Bambbi Fuentes

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Together again sina Bambbi Fuentes at Kris Aquino. Si Bambbi ang makeup artist ni Kris para sa Feng Shui 2, ang pelikula na official entry sa Metro Manila Film Festival 2014.

Matagal na hindi nagkatrabaho ang dalawa dahil sumubok ng ibang mga make-up artist si Kris at na­ging busy naman si Bambbi bilang official make-up artist ni Marian Rivera.

Iba talaga ang hagod ng kamay ni Bambbi sa mukha ni Kris. Fresh na fresh at bagets looking si Kris sa mga picture niya sa set ng Feng Shui na nakita ko. Gamay na gamay talaga ni Bambbi ang paglalagay ng make-up kay Kris.

Nanay ni Ryzza Mae nag-roller coaster sa Disneyland kahit limang buwang buntis

Hindi ako nagulat nang malaman ko na five-months pregnant si Rizza, ang dakilang ina ni Ryzza Mae Dizon.

May boyfriend si Rizza kaya hindi shocking na nagbunga ang kanilang pagmamahalan.

Sa pagkakaalam ko, nagbuntis na rin noon si Rizza pero nakunan siya.

Nabuking ang pagbubuntis ni Rizza nang sumakay siya sa Space Mountain ride sa Hong Kong Disneyland. Naloka si Rizza dahil mali ang kanyang akala na simple at pambata na roller coaster ride ang Space Mountain.

May pagkakamali si Rizza dahil hindi dapat sumasakay sa mga roller coaster o sa ibang klase ng rides ang mga buntis.

Paano kung may nangyari sa kanya sa Disneyland? Hindi niya puwedeng sisihin ang management ng Disneyland na hindi nagkulang sa paalaala na bawal sumakay sa mga ride ang mga buntis, may high blood pressure, at iba pa na karamdaman.

Matagal nang hiwalay si Rizza at ang tatay ni Ryzza Mae.

Open secret na may iba nang karelasyon ang fadir ni Ryzza Mae kaya nakipag-boyfriend na rin ang nanay niya.

Madalas na kasama ni Rizza ang kanyang dyowa. Hindi naman nila itinatago ang kanilang relasyon. Kasa-kasama niya ang mhin sa halos lahat ng lakad ni Ryzza.

Kasal si Rizza at ang tatay ni Ryzza pero may balak sila na mag-file ng annulment para maging legal ang kanilang paghihiwalay.

Paolo kopyang-kopya rin si Katy Perry

Hindi ko nakilala si Paolo Ballesteros sa mga litrato niya as Hello Katy Perry nang mag-perform siya sa show ng Eat Bulaga sa Chater Garden, Central Hong Kong noong Linggo.

Kopyang-kopya kasi ni Paolo ang mukha ng original Katy Perry.

Bilib na bilib kay Paolo ang mga OFW sa Hong Kong dahil sa husay niya sa make up transformation. Tuwang-tuwa ang mga OFW dahil na-sight nila nang personal ang magaling na impersonator ng sikat na American singer.

GMA namatayan ng apo

Nakikiramay ako kay Luli Arroyo-Bernas dahil sa pagpanaw noong Linggo ng kanyang one-year old son na may congenital heart problem.

Ang pagkamatay ng anak ni Luli ang dahilan kaya hinihiling ni former President Gloria Macapagal-Arroyo sa Sandiganbayan na pansamantala na palayain siya mula sa hospital arrest para makasama niya ang anak sa pagluluksa nito.

Isa si Luli sa mga presidential daughter na gustung-gusto ko dahil noong panahon na nasa puwesto ang nanay niya, hindi siya naging abusado. Namuhay si Luli ng simple at walang kayabang-yabang sa katawan.

Nang magpakasal sila ng kanyang asawa na si Luigi sa Tagaytay City noong November 2008, walang magarbo na handaan at iilan lamang ang mga imbitado na bisita.

Pumipila si Luli sa check in counter ng NAIA at never siya na nag-demand ng special treatment. Kung natatandaan ninyo, nakasagutan ni Luli ang isang immigration agent noong 2006 dahil sa isang foreigner na inunahan sa pila ang mga Pinoy na nakalinya.

Nagkataon na kabilang si Luli sa mga nakapila at kinuwestyon niya ang special treatment na ibinigay ng immigration agent sa foreigner.

Nakipagsagutan kay Luli ang immigration agent na walang kamalay-malay na anak ng pangulo ng Pilipinas ang tinatalakan niya. Nag-apologize kay Luli ang immigration agent nang malaman nito kung sino ang kausap niya.

For humanitarian reason, pagbigyan sana ng Sandiganbayan ang hiling ni Mama Gloria na makapiling ang anak na nagluluksa.

 

vuukle comment

BAMBBI

DAHIL

FENG SHUI

KATY PERRY

LULI

NIYA

RIZZA

RYZZA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with