^

PSN Showbiz

Sa pag-amin sa kanilang relasyon Julian mas kapani-paniwala kesa kay Julia!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Big news pala sa fans ni Julia Barretto ang pag-amin ni Julian Estrada na nagkaroon ng relasyon ang dalawa.

Hindi naniniwala ang fans ni Julia na naging girlfriend ito ni Julian sa loob ng anim na buwan at ang early this year na denial ng aktres ang kanilang basehan.

Between Julia and Julian, mas naniniwala ako sa anak ni Senator Jinggoy Estrada.

Pinilit si Julian ng mga reporter na dumalo sa presscon ng Relaks, It’s Just Pag-ibig na aminin ang katotohanan. Hindi naman siya katulad ng ex-girlfriend ni James Reid na kahit hindi tinatanong, nag-volunteer na sabihin na ex-dyowa siya ni James.

Matagal bago napaamin si Julian ng mga reporter at nang sabihin niya ang totoo, may mga nagdududa at nagtataray. Bakit ba nagmamarunong ang iba eh siya ang nakipagrelasyon?

Saan nga ba lulugar si Julian? Hindi niya kailangan na gumimik para mapag-usapan siya ‘ha?

Pero nilait-lait, fans ng JaDine inis-talo dahil pinag-uusapan ang ex ni James

Bashing victim si Ericka Villongco, ang ex-girlfriend ni James Reid dahil nagsalita siya tungkol sa nakaraan nila ng aktor.

Mga selosa ang fans nina James at Nadine Lustre. Kontrabida ang tingin nila sa ex-girlfriend ni James kaya lait-to-the max ang kanilang ginagawa.

Kung hindi siguro nagkusa si Ericka sa pagkukuwento na siya ang ex-girlfriend, baka sakali na hindi siya naging biktima ng bashing.

Pero effective ang ginawa ni Ericka dahil pinag-uusapan siya ngayon. Inis-talo ang fans nina James at Nadine dahil sila pa ang nagbigay ng chance para mapag-usapan ang ex-girlfriend. Kung dinedma nila si Ericka, hindi ito magkakaroon ng mga libreng publicity.

Eat Bulaga dinumog sa Hong Kong!

Tagumpay ang show kahapon ng Eat Bulaga cast sa Hong Kong dahil sa suporta ng mga kababayan natin.

Day off kahapon ng mga OFW kaya sumugod sila sa Chater Garden para personal na makita sina Senator Tito Sotto, Bossing Vic, at si Papa Joey de Leon.

Kasama sa show ang Eat Bulaga Dabarkads na tatlong oras na naghatid ng isang libo’t isang tuwa sa mga kababayan natin na nagtatrabaho at naninirahan sa Hong Kong.

Tuwing Linggo, libu-libo ang mga Pinoy na nakatambay sa  Central Hong Kong at para silang mga nagpipiknik doon. May mga baon sila na pagkain, nagkukuwentuhan, may nagpapagupit, nagpapalinis ng kuko, at kung anik-anik pa.

Sanay na ang mga turista sa Hong Kong sa presence ng mga Pinoy sa Chater Garden tuwing Linggo pero kakaiba kahapon dahil dumoble ang kanilang mga bilang dahil sa show ng Eat Bulaga.

Nagpunta rin sa Hong Kong si Judy Ann Santos at ang mga anak nila ni Ryan Agoncillo. Nauna sa Hong Kong ang  Agoncillo family dahil ipinasyal nina Juday at Ryan sa Disneyland ang kanilang mga anak na sina Yohan at Lucho.

Ryzza Mae may special treatment sa HK Disneyland

Second trip ni Ryzza Mae Dizon sa Hong Kong ang Eat Bulaga show.

Noong May 2013 ang unang biyahe ni Ryzza Mae sa Hong Kong at ipinalabas ito sa kanyang morning program sa GMA 7, ang The Ryzza Mae Show.

Ang Disneyland ang sinadya ni Ryzza Mae sa Hong Kong dahil sa kagustuhan niya na makita at makilala nang personal sina Mickey Mouse at Minnie Mouse. Hindi nabigo si Ryzza Mae dahil special treatment ang ibinigay sa kanya sa Disneyland.

Sikat na sikat si Ryzza Mae sa mga Pinoy sa Hong Kong kaya isa siya sa mga pinagkaguluhan kahapon sa Chater Garden show ng Eat Bulaga.

vuukle comment

CHATER GARDEN

DAHIL

EAT BULAGA

ERICKA

HONG

HONG KONG

KONG

RYZZA MAE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with