^

PSN Showbiz

Jewel Mische sa Amerika na mamamalagi pagkakasal

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Alam ng publiko na naging magkasintahan noon ang dating mga Kapuso stars na sina Richard Gutierrez at si Jewel Mische na never nilang inamin in public hanggang sa sila’y magkahiwalay. Naging Kapamilya si Jewel at sandali nitong naging kasintahan ang aktor na si Jason Abalos pero nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang relasyon. Sa mga transferees sa Kapamilya network, si Jewel ang hindi gaanong naka-take off as far as her career is concerned.  Little did we know na may itinatago na pala itong bagong karelasyon sa katauhan ng American guy na nagngangalang Alister na kanyang nakilala sa isang Christian church habang nagbabakasyon ito sa Pilipinas some two years ago. Nag-propose na ng marriage si Alister na nagtatrabaho sa General Motors sa Amerika bilang bahagi ng research and development team ng nasabing auto brand.

Since sa America naka-base si Alister, malamang na doon na rin sila mamirmihan pero kinu-consider din nitong mag-relocate sa Pilipinas. Si Jewel ay malaki ang hawig kay KC Concepcion.

Tanya hindi iniwan si Maricar

Isa si Tanya Garcia sa mga close friends ng si­nger-actress na si Maricar de Mesa na dumamay sa kaibigan nang ito’y mahiwalay sa asawang cager na si Don Allado.  Nalungkot si Tanya para sa kanyang kaibigan dahil isa siya sa naging saksi sa pag-iibigan ng dating mag-asawa – sa courting  stage hanggang sa kanilang pagpapakasal kung saan ay kasama pa si Tanya sa wedding entourage.

Ginagawa pa nina Maricar at Tanya ang Villa Quintana  nung nagkalabuan na sina Ma­ricar at Don kaya ramdam ni Tanya ang pinagdaanan ng kaibigan.

Ang trabaho ay isa sa mga therapy ni Maricar kaya siya mada­ling nakapag-move on.  Pagkatapos ng Villa Quin­tana, dumating naman ang offer for her to be part ng Metro Manila Film Festival (MMFF) movie nina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon na My Big Bossing.

vuukle comment

DON ALLADO

GENERAL MOTORS

JASON ABALOS

MARICAR

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MY BIG BOSSING

NAGING KAPAMILYA

PILIPINAS

TANYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with