^

PSN Showbiz

Ilang beses na niyang na-press release: Pagre-retiro na naman ni Kris sa showbiz hindi na kapani-paniwala

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Magiging kumare ko pala si Kris Aquino sa December 30 wedding nina Marian Rivera at Ding­dong Dantes.

Pinuntahan nina Marian at Dingdong si Kris sa set ng Feng Shui 2 para personal na imbitahan. Mabilis na nalaman ng buong bayan ang pagdalaw ng dalawa sa shooting ng Feng Shui dahil agad na ibinalita ito ni Kris sa kanyang followers sa Instagram.

May kumalat na tsismis na iiwanan daw ni Kris Aquino ang showbiz sa 2016 pero hindi dapat paniwalaan ang balita.

Sobra ang pagmamahal ni Kris sa entertainment industry. Hindi believable na tatalikuran niya ang showbiz dahil enjoy na enjoy siya sa kanyang mga ginagawa at sa atensyon na ibi­nibigay ng madlang-bayan.

Maraming beses nang nagpaalam si Kris sa showbiz, noong pumutok sa publiko ang bitter break-up nila ni Joey Marquez at ang well-publicized separation nila ni James Yap. Nag-babu rin siya sa The Buzz nang kumandidato si P-Noy noong 2010.

Where is she now?  Balik-The Buzz si Kris at  dalawang beses s­iya  na napapanood sa TV mula Lunes hanggang B­iyernes.

Sueselbeck nang eeklay na naman na babalik ng ‘Pinas

Lumarga na kahapon si Marc Sueselbeck, ang German fiancée ng transgender na si Jeffrey Laude.

Bago siya umalis, nagpainterbyu muna sa mga miyembro ng media na nag-abang sa kanya kahapon sa NAIA. Ang showbiz na showbiz na ng German national.

Nag-pralala si Sueselbeck na babalik siya para dalawin ang kanyang pinatay na dyowa.

Pinairal na naman ni Sueselbeck ang pagi­ging dramatic actor at ilusyonado. Alam niya na malabo na siyang makabalik sa Pilipinas dahil blacklisted na siya ng Bureau of Immigration and Deportation.   

Pinayagan si Sueselbeck ng BID na makaalis ng bansa dahil sa kasunduan na hindi na siya puwedeng mag-“I shall return” sa Pilipinas. Nagmakaawa si Sueselbeck na pauwiin ito sa Germany dahil bukod sa ubos na ang kanyang datung, nanganganib na matanggal siya sa trabaho.

Nameless at nobody si Sueselbeck sa Germany. I’m sure, mami-miss niya ang atensyon na ibinigay  ng local media at ng mga Pinoy, kaya matindi ang kanyang pagnanais na makabalik sa ating bansa.

Pupusta ako na kahit nasa Germany na siya, maglalabas pa rin si Sueselbeck ng mga pralala para tuluy-tuloy ang kanyang mga libreng publicity.

Boyet makakaalis na pa-Amerika

Ipinapaabot ni Christopher de Leon ang kanyang taos-puso na pasasalamat sa lahat ng mga naka-remember sa birthday niya noong October 31.

Good health para kay Boyet at sa pamilya niya ang birthday wish ko para sa kanya.

Tapos na ang Ikaw Lamang at maluwag na ang schedule ni Boyet kaya lilipad sila ni Sandy Andolong sa Amerika sa linggong ito dahil dadalawin nila ang kanilang anak na si Miguel.

Isasama nina Boyet at Sandy sa U.S. trip ang favorite apo nila, si Primo na anak ni Miguel.

Excited na si Miguel at ang misis nito na makita ang kanilang unico hijo.

U.S.-based na ang mag-asawa at iniwan nila si Primo sa pangangalaga ng kanilang mga magulang.

Mahal na mahal nina Boyet at Sandy si Primo. Ayaw na ayaw nila na mawalay at mapalayo sa kanila ang bagets na sentro ng happiness ng buong pamilya.

 

vuukle comment

AMERIKA

BALIK-THE BUZZ

BOYET

FENG SHUI

KRIS AQUINO

MIGUEL

SIYA

SUESELBECK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with