^

PSN Showbiz

Atom, ipapakita kung paano isasalba ang isang taong nalunod

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sasapit na ang Undas at kasagsagan na ng sem break sa mga eskwelahan kaya uso na naman ang mga outing at swimming sa beach. Kasabay ng paghahanda niyo mag-bonding ng pamilya o ng bar­kada, handa rin ba kayo sa peligrong maaring mangyari?

Ipapakita ni Atom Araullo ang dapat mong ma­laman at gawin sakaling isa sa inyo ay malunod nga­yong Biyernes (Oct 31) sa Red Alert.

Ayon sa Department of Health, walong Pinoy ang namamatay kada-araw dahil sa pagkalunod.

Ang nakakaalarma pa dito ay 35 porsyento ng mga biktima ay mga batang 14 taong gulang pababa.

Isa ang anak ni Tatay Boyet sa tinutukoy sa talaang ito matapos malunod ang kanyang siyam na taong gulang na anak. Ang anak na matagal nawalay sa kanya ay mawawala lang pala sa isang iglap.

Tamang kaalaman ang magliligtas sa iyo at sa iyong mga mahal sa buhay kaya naman anumang oras, dapat laging Red Alert.

 

vuukle comment

ATOM ARAULLO

AYON

BIYERNES

DEPARTMENT OF HEALTH

IPAPAKITA

ISA

KASABAY

RED ALERT

TATAY BOYET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with