^

PSN Showbiz

Kita sa pelikula nila ni Vic, Kris Aquino sobrang dami ng pera, franchise ng kanyang fastfood binayaran ng cash

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Sa November 28 pa magbubukas ang Chow­king branch ni Kris Aquino sa Ali Mall, Cubao, pero ibinalita na nito sa contract signing niya bilang bagong franchisee ng CK na ang second branch niya sa three branches ng CK na bubuksan ay sa Tarlac. Baka sa second and third branches, kasosyo na ni Kris ang mga kapatid dahil nagtanong kung bakit hindi sila isinaling kasosyo.

Si Kris ang first franchisee who paid in cash at hindi isinama sa kontrata niya as endorser. Ang share at kita niya sa pagsosyo sa My Little ­Bossing ang ibinayad sa ika-411 branch ng CK.

 Sa tanong kung sinong celebrities ang invited niya sa opening ng branch niya, wala raw dahil manglilibre pa siya. Walang free sa opening day para maganda ang pasok ng negosyo. Hindi rin siya magka-cashier ‘pag bumisita siya sa branch niya dahil baka marami siyang ilibre at mag-aabono siya.’

Sabi ni Kris, malapit na niyang maabot ang figures na sini-set na ‘pag naipon na niya, magre-retire na siya at puwede nang magka-private life at mag-boyfriend. Walang nagtanong kung magkano ang naka-set niyang ipunin, basta malapit na.

Anyway, may shooting this Friday at hangang bukas si Kris ng Feng Shui 2, kaya sa November 2, na siya bibisita sa puntod ng mga magulang. Positive itong hahabol sa Metro Manila Film Festival o MMFF ang pelikula nila nina Cherry Pie Picache, Coco Martin, at Ian Veneracion.

Kahit ‘di pa puwede sa ‘Pinas, kasal nina Aiza at Liza wala nang urungan

Siguradong mag-iiyakan sina Aiza Seguerra at Vic Sotto sa kasal nina Aiza at Liza Diño dito sa bansa sa January 2015. Mentor at second father ang turing ni Aiza kay Vic at mahal nila ang isa’t isa.

Isa si Vic sa mga ninong sa kasal nina Aiza at Liza (hindi pa sinabi ang date) kasama sina Mr. Tony Tuviera, director Ryan Carlos at Anton Juan. Kabilang sa ninang si Sylvia Sanchez. Mini-bride naman ang anak ni Liza na si Amara.

Mauuna ang kasal nina Aiza at Liza sa States sa December (no exact date), rustic ang motif at 70 people ang invited. Sa January ang wedding nito sa beach at mas malaki ito at mas marami ang invited. Wedding gown na gawa ni Monique Lhuillier ang isusuot ni Liza sa US wedding nila at wedding gown na gawa ni Jenny Packham ng UK at isa sa nag­dadamit kay Kate Middleton ang isusuot ni Liza.

Si Aiza ang mas maraming alam na details sa two weddings, pero ayaw pa nitong magkuwento.

Saka busy, that night si Aiza sa pag-iistima sa mga inimbita sa ibinigay niyang surprised block screening ng In Nomina Matris sa My Cinema sa Greenbelt na nagpanalong best actress kay Liza sa 2014 International Film Festival Manhattan na ginawa sa NSayang at hindi narinig ni Aiza ang sinabi ni Liza na gusto niya ng three kids sa kanya (Aiza) at sinundan nang pagsasabing nagdyu-joke lang siya.

vuukle comment

AIZA

AIZA SEGUERRA

ALI MALL

ANTON JUAN

CHERRY PIE PICACHE

COCO MARTIN

FENG SHUI

LIZA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with