^

PSN Showbiz

Arnel Pineda magbibigay ng $1 -M sa kanyang reality contest

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Madaling-araw nang dumating kahapon sa bansa si Mariah Carey para sa kanyang concert ngayong gabi sa Mall of Asia Arena.

SCENE: Ang tweet ng pasasalamat ni Mariah Carey sa mga Pilipino dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya kahapon sa NAIA.

SEEN: Pormal na nagpaalam si Jolina Magdangal sa mga executive ng GMA 7 noong Biyernes dahil babalik na siya sa ABS-CBN. Nag-umpisa sa Kapamilya Network ang showbiz career ni Jolina noong 1992 bago siya naging Kapuso contract star sa loob ng 12 taon.

SCENE: Ang report kahapon ng mga television news prog­ram  tungkol sa paghingi ng paumanhin ni Camarines Governor Ed­gardo Tallado habang mangiyak-ngiyak sa kanyang constituents  dahil sa pagkalat sa social media ng mga malalaswa na larawan nila ng other woman niya. Hinihiling ni Tallado na itigil na ang pagpapakalat sa mga larawan dahil malalaswa ito. Ang sarili niya ang dapat sisihin ni Tallado dahil kung hindi nila kinunan ng litrato ang kanilang intimate moments, hindi sila masasangkot sa nakakahiya na eskandalo.

SEEN:  Entertaining at exciting ang unang episode ng The Voice Philippines Season 2 ng ABS-CBN dahil mahuhusay ang mga ipinakita na  contestant sa blind auditions.

SCENE: One million US dollars ang kabuuan ng halaga ng mga premyo na matatanggap ng mananalo sa Asian Music Camp, ang reality show ni Arnel Pineda para sa mga music band sa buong Asya.

SEEN: Ang Happy Days to a Happy Heart  countdown ni Heart Evan­gelista sa nalalapit na pag-iisang dibdib nila ni Senator Francis Escudero sa Balesin Island sa February 15, 2015.

SCENE: Introducing sa Flight 666 episode ng Shake, Rattle & Roll 15 ang model na si John Spainhour, ang representative  ng Pilipinas sa Mister  World 2014 noong June 2014.

vuukle comment

ANG HAPPY DAYS

ARNEL PINEDA

ASIAN MUSIC CAMP

BALESIN ISLAND

MARIAH CAREY

TALLADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with